Ina ko, Ina mo,Ina ng lahat ng tao sino siya? hulaan mo? Ito ay isang bugtong na aking ginawa bilang panimula ng aking sanaysay at kung sirit na kayo ang sagot sa bugtong na ito ay walang iba kung hindi si Maria. Siguro magtataka kayo kung sino itong Maria na sinasabi kong ina ng lahat ng tao ngunit huwag kayong mag alala ipakikilala ko Siya sa inyo.
Si Maria na tinutukoy ko sa bugtong ay walang iba kung hindi si Maria na ina ni Jesus. Ayon nga sa isang dasal na sinabi ng anghel kay Maria ay ito Aba Ginoong Maria Napupuno Ka Ng Grasya Ang Panginoong Diyos Ay Sumasainyo Bukod Kang Pinagpala Sa Babaeng Lahat At Pinagpala Naman Ang AnakMong Si Jesus. Ibig sabihin talagang pinagpala si Maria na higit sa iba dahil Siya ang nagdala kay Jesus sa Kanyang sinapupunan sa loob ng siyam na buwan. Siya rin ang nag- alaga at gumabay kay Jesus habang ito ay lumalaki. Maging sa huling sandali ng buhay ni Jesus ay naroon si Maria at dinamayan siya tulad ng ina na handang dumamay sa anak.
Kaya hanggang ngayon kasalukuyan nagsilbi pa ring ina nating lahat si Maria lalo na ng mga katulad niyang ina. Dumadalangin tayo araw at gabi sa Kanya upang ilapit ang ating mga kahilingan sapagkat alam nating ilalapit Niya ito kay Jesus at ilalapit naman ni Jesus sa Diyos Ama para matupad ang ating mga kahilingan . Dahil tulad ng sinabi sa Bibliya na walang makalalapit sa Ama kung hindi ang Anak ganon din naman walang makalalapit sa Anak kung hindi ang Ama ngunit higit sa lahat walangmakalalapit sa Dalawa kung hindi ang Ina na walang iba kung hindi si Maria.
Si Maria ay gawin nating inspirasyon sa buhay tulad ng isang butihing ina at maging gabay natin Siya upang matutunan nating pahalagahan ang buhay ng bawat isa. Ang naging buhay Niya nawa ay maging ilaw sa lahat ng ina na ngayon ay dumaranas ng matitinding suliranin kaugnay sa kanilang mga anak. Maging ilaw din Siya sa mga magiging ina ng maaga na nais ipalaglag ang kanilang anak na nasa sinapupunan nila. Naawa'y maliwanagan sila na hindi ang bagay naiyon ang lulutas sa kanilang problema. Lalo't higit maging ilaw si Maria sa mga kabataang naliligaw ng landas at tuluyang kinalimutan ang matuwid na landas na dapat nilang tahakin nawa'y makita ng mga taong ito si Maria para maituro Nito sa kanila ang tamang daan na dapat nilang tahakin.
Nawa ay bigyan din ni Maria ng liwanag ang lahat ng tao sa bilangguan na nakagawa ng masama nawa'y magsisi na sila sa kanilang mga kasalanan at magbagong buhay. Tulad ng isang ina nawa ay gabayan ni Maria ang bawat kabataan na gawin ang tama para sa kanilang pamilya, kapa athigit sa lahat sa bayan. Nawa ay magising din ang lahat ng tao upang sagipin na nila ang inang kalikasan na ngayon ay nasa delikado nang kalagayan. Nawa ay hipuin ni Maria ang bawat puso ng mga tao para muling maibalik ang dating kaayusan ng mundong ating tinitirhan.
Santa Maria Ina ng Diyos nawa ay pakinggan mo ang bawat kahilangan ng mga taong lumalapit sa Iyo at sana sa pamamagitan ng sanaysay na ito ay magising na tayo at makitang may iisang Ina ang lahat ng tao na laging kumakatok sa ating puso at nagsisilbing gabay para pahalagahan natin ang buhay na kaloob sa atin.