Ang tao makakatagal ng walang pagkain ngunit hindi ang
kawalan ng tubig. Timbangin at suriin.
Isang disgrasya ang nangyari sa isang gusali na sa hindi
inaasahang pagkakataon ito ay gumuho . Maraming natabunan ng buhay at
nangamatay. Ilan naman ang nakaligtas at
nagtamo ng mga sugat. Ang iba ay hindi pa natatagpuan at tinuring na rin ng
ilan na patay na. kalunos lunos.
Isang araw, dalawang araw at mahigit na ang lumipas na
patuloy pa rin sa paghahanap sa mga nawawala. Sa hindi inaasahang pagkakataon
isang himala ang naganap at isang buhay ang nasagip sa kabila ng mahabang
panahon pananatili sa gumuhong gusali. Kahanga hanga kung tutuusin.
Sa kabila ng pangangailangan niya sa pagkain ay nagawa nyang
tumagal sa lob ng mahabang oras. Paano?
Kinailangan nyang inumin maging sarili nyang urine dahil
batid niya na mas higit na kailangan ng katawan niya ang tubig kaysa sa
pagkain.Mahirap paniwalaan ngunit katotohanang dapat maunawaan. Buksan ang
isipan.
Binubuo ng 70 porsyento ng tubig ang ating katawan. Kung
tutuusin kung wala ang tubig sa ating katawan hindi tayo magiging aktibo.Kaya
kung ikaw ay isang hyper na tao nangangailangan ka ng mas maraming tubig sa
pang araw araw mong gawain.
Ang tubig ay may kakayahang tumunaw ng iba’t ibang
substansya na kailangan ng ating katawan.Ito ang dahilan kaya siya tinawag na
biological solvent. Siya rin angpangunahing sangkap sa mga chemical at physical
processes na nangyayari sa ating katawan. Ang tubig din ang nagsisilbing
moisturizer sa ating mga mata ganun din sa ibang bahagi ng katawan na
kailangang manatiling mamasa masa.
Sasakyan din kung tutusin ang tubig dahil siya ang
nagsisilbing sakayan ng mga sustansya, gases at ibang substansya na kailangan
ng ating katawan. Maging ang ating dugo ay gawa karamihan sa tubig. Ang tubig
din ang nagbibigay proteksyon sa ating utak at spinal cord. Ang tubig na
pumoprotekta sa mga bahaging ito ay tinatawag na cerebrospinal fluid.
Kinakailangan
ng matinding init bago mapataas ang
temperatura ng tubig. Ang katangiang ito ng tubig ang dahilan kung bakit
tayo
nanatili sa ating normal na temperatura. Higit na init din ang kailangan
bago
ito maging water vapor ito ang dahilan kaya tuwing tag init hindi tayo
basta
basta nagkakaroon ng dehydration.Kung matinding init ang kailangan para
uminit ang tubig ganun din naman matinding lamig ang kailangan para
maging yelo ang tubig. Ito ang dahilan kung bakit hindi basta basta tayo
magiging yelo kapag nasa mababa tayong temperatura.
Sa
dami ng trabaho na ginagampanan ng tubig sa ating katawan hindi ba't
nakakatakot kapag ito ay mawawala. Totoong nawawala ang tubig sa ating
katawan sa pamamagitan ng pghinga, sa ating pawis, sa atin urine at
maging sa pagdumi. Pero ang nawalang tubig sa ating katawan ay
maibabalik sa ating pang araw araw na pag inom ng tubig. Huwag nating
katakutan ang paginom ng tubig sa halip sikapin nating uminom ng mahigit
walong basong tubig araw araw. Hayaan nating mapuno nito ang buo nating
katawan at pabayaan nating dumaloy ito sa ating katauhan. Dahil kung
wala ang tubig hindi tayo mabubuhay sa mundo na
ating ginagalawan.