Friday, November 1, 2013

Bukal ng buhay Ni Mark Joseph Caneo

      Ang tao makakatagal ng walang pagkain ngunit hindi ang kawalan ng tubig. Timbangin at  suriin.
      Isang disgrasya ang nangyari sa isang gusali na sa hindi inaasahang pagkakataon ito ay gumuho . Maraming natabunan ng buhay at nangamatay. Ilan naman  ang nakaligtas at nagtamo ng mga sugat. Ang iba ay hindi pa natatagpuan at tinuring na rin ng ilan na patay na. kalunos lunos.
     Isang araw, dalawang araw at mahigit na ang lumipas na patuloy pa rin sa paghahanap sa mga nawawala. Sa hindi inaasahang pagkakataon isang himala ang naganap at isang buhay ang nasagip sa kabila ng mahabang panahon pananatili sa gumuhong gusali. Kahanga hanga kung tutuusin. 
    Sa kabila ng pangangailangan niya sa pagkain ay nagawa nyang tumagal sa lob ng mahabang oras. Paano?
     Kinailangan nyang inumin maging sarili nyang urine dahil batid niya na mas higit na kailangan ng katawan niya ang tubig kaysa sa pagkain.Mahirap paniwalaan ngunit katotohanang dapat maunawaan. Buksan ang isipan. 
     Binubuo ng 70 porsyento ng tubig ang ating katawan. Kung tutuusin kung wala ang tubig sa ating katawan hindi tayo magiging aktibo.Kaya kung ikaw ay isang hyper na tao nangangailangan ka ng mas maraming tubig sa pang araw araw mong gawain.
     Ang tubig ay may kakayahang tumunaw ng iba’t ibang substansya na kailangan ng ating katawan.Ito ang dahilan kaya siya tinawag na biological solvent. Siya rin angpangunahing sangkap sa mga chemical at physical processes na nangyayari sa ating katawan. Ang tubig din ang nagsisilbing moisturizer sa ating mga mata ganun din sa ibang bahagi ng katawan na kailangang manatiling mamasa masa.
     Sasakyan din kung tutusin ang tubig dahil siya ang nagsisilbing sakayan ng mga sustansya, gases at ibang substansya na kailangan ng ating katawan. Maging ang ating dugo ay gawa karamihan sa tubig. Ang tubig din ang nagbibigay proteksyon sa ating utak at spinal cord. Ang tubig na pumoprotekta sa mga bahaging ito ay tinatawag na cerebrospinal fluid.
     Kinakailangan ng matinding init bago mapataas ang temperatura ng tubig. Ang katangiang ito ng tubig ang dahilan kung bakit tayo nanatili sa ating normal na temperatura. Higit na init din ang kailangan bago ito maging water vapor ito ang dahilan kaya tuwing tag init hindi tayo basta basta nagkakaroon ng dehydration.Kung matinding init ang kailangan para uminit ang tubig ganun din naman matinding lamig ang kailangan para maging yelo ang tubig. Ito ang dahilan kung bakit hindi basta basta tayo magiging yelo kapag nasa mababa tayong temperatura.
     Sa dami ng trabaho na ginagampanan ng tubig sa ating katawan hindi ba't nakakatakot kapag ito ay mawawala. Totoong nawawala ang tubig sa ating katawan sa pamamagitan ng pghinga, sa ating pawis, sa atin urine at maging sa pagdumi. Pero ang nawalang tubig sa ating katawan ay maibabalik sa ating pang araw araw na pag inom ng tubig. Huwag nating katakutan ang paginom ng tubig sa halip sikapin nating uminom ng mahigit walong basong tubig araw araw. Hayaan nating mapuno nito ang buo nating katawan at pabayaan nating dumaloy ito sa ating katauhan. Dahil kung wala ang tubig hindi tayo mabubuhay sa mundo na ating ginagalawan.

Uniporme Ni:Mark Joseph G. Caneo

 
 
Tuwing suot kita ramdam ko ang saya
Brilyante mong ganda aking kitang kita
Tingin nitong madla ako’y dalubhasa
Dignidad ay dala saan man magpunta
 
Matamis na bunga taglay mo tuwina
Pagod na tamasa damang dama mo na
Daig ang artista kapag suot kita
Tingkad mong dala ‘di maikumpara
 
Bakit mo sisirain taglay mong ningning
Kung ika’y salamin kung saan nanggaling
Mantsa’y tatanggalin ‘di pakakapitin
Sira’y aayusin punit tatahiin
 
Lubusang mahalin unipormeng angkin
Imaheng tumabing dapat tangkalikin
Tumpak laging gawin mabuti’y isipin
Tiyak ‘tong mithiin lalapit sa piling

Tuesday, October 22, 2013

Just the Web I Like It By; Mark Joseph Caneo



The modern world creates an easy access to gain knowledge out of a certain thing- the internet. People easy embrace it because of its advantage to other references. Lots of people ready to spend their money to have it. Filipino even non Filipino wants to use internet access than reading references in getting information. The great impact of internet in the society has a great effect in mass media.
Welcome to the modern school. We love going school and study lesson. We write in a piece of paper and we answer question in a book. We listen to the teacher when he/she speak and gain some recitation in his/her question. This is old time learning in school and this time it is already change. The internet open a new door in learning and a new style develop. Teachers now used technology in their student in teaching. The student’s assignment and project will be submitted via email nowadays. Students answer question in a test online. We can observe also that different school have their own internet connection even it is a public school.
 We use books in the past then internet at the present. In old time we read then read and read books in the library or in other places that have books. We done this to gain knowledge to a certain topic that we want to know. The process takes long time because in reading materials there’s a lot of topic to be tackle. While this time the internet is already created and we can explore in this in an easy way. Just type a certain topic then just one click the information that you want will be post. Very easy! Very instant! Very fast! That is the internet power.
Other references out then internet come in. We can find also in the internet the information that we can get in other reference materials like newspaper, magazines, periodic etc. We can search news, entertainment and showbiz news on internet online. Without buying such references we can easily access them in internet all in one.
Websites come on board. The most interesting part on internet is locating and using different website on it. We are very entertained using face book, email, twitter and other website. Making advertisement, uploading pictures or videos, posting written work can be done also on internet. We can scattered news, pictures, videos and advertisement around the world by posting it on you tube, face book, email and other related website. We can also use blog another website in posting different work. This website is quit difference to other because it is manage by only one person so individual must responsible in using it.
Television and radio is on internet too. If you want to watch certain program or listen to a song you can also use internet on it. Using internet has a great advantage than using T.V or radio. In internet we can pick what we want to watch or listen in anytime and anywhere while on T.V or radio we cannot pick what we want and there is a time in every program.
High technology is now part of our daily life. Its existence is a sign that our world has been changed. Using internet as a source of information make us forgot the greatness of other reference material. The truth is even young generations of people try to develop more easy way of getting information. Time goes by at the future there is no more printing material to be seen and the technology itself will be the key of knowledge.




                            


Saturday, June 30, 2012

Maria, Ina ng Bawat Kabataan, Gabay sa Pagpapahalaga ng Buhay

          Ina ko, Ina mo,Ina ng lahat ng tao sino siya? hulaan mo? Ito  ay isang bugtong na aking ginawa bilang panimula ng aking sanaysay at kung sirit na kayo ang sagot sa bugtong na ito ay walang iba kung hindi si Maria. Siguro magtataka kayo kung sino itong Maria na sinasabi kong ina ng lahat ng tao ngunit huwag kayong mag alala ipakikilala ko Siya sa inyo.
         Si Maria na tinutukoy ko sa bugtong ay walang iba kung hindi si Maria na ina ni Jesus. Ayon nga sa isang dasal na sinabi ng anghel kay Maria ay ito Aba Ginoong Maria Napupuno Ka Ng Grasya Ang Panginoong Diyos Ay Sumasainyo Bukod Kang Pinagpala Sa Babaeng Lahat At Pinagpala Naman Ang AnakMong Si Jesus. Ibig sabihin talagang pinagpala si Maria na higit sa iba dahil Siya ang nagdala kay Jesus sa Kanyang sinapupunan sa loob ng siyam na buwan. Siya rin ang nag- alaga at gumabay kay Jesus habang ito ay lumalaki. Maging sa huling sandali ng buhay ni Jesus ay naroon si Maria at dinamayan siya tulad ng ina na handang dumamay sa anak.
       Kaya hanggang ngayon kasalukuyan nagsilbi pa ring ina  nating lahat si Maria lalo na ng mga katulad niyang ina. Dumadalangin tayo araw at gabi sa Kanya upang ilapit ang ating mga kahilingan sapagkat  alam nating ilalapit Niya ito kay Jesus at ilalapit naman ni Jesus sa Diyos Ama para matupad ang ating mga kahilingan . Dahil tulad ng sinabi sa Bibliya na walang makalalapit sa Ama kung hindi ang Anak ganon din naman walang makalalapit sa Anak kung hindi ang Ama ngunit higit sa lahat walangmakalalapit sa Dalawa kung hindi ang Ina na walang iba kung hindi si Maria.
      Si Maria ay gawin nating inspirasyon sa buhay tulad ng isang butihing ina at maging gabay natin Siya upang matutunan nating pahalagahan ang buhay ng bawat isa. Ang naging buhay Niya nawa ay maging ilaw sa lahat ng ina na ngayon ay dumaranas ng matitinding suliranin kaugnay sa kanilang mga anak. Maging ilaw din Siya sa mga magiging ina ng maaga na nais ipalaglag ang kanilang anak na nasa sinapupunan nila. Naawa'y maliwanagan sila na hindi ang bagay naiyon ang lulutas sa kanilang problema. Lalo't higit maging ilaw si Maria sa mga kabataang naliligaw ng landas at tuluyang kinalimutan ang matuwid na landas na dapat nilang tahakin nawa'y makita ng mga taong ito si Maria para maituro Nito sa kanila ang tamang daan na dapat nilang tahakin.
      Nawa ay bigyan din ni Maria ng liwanag ang lahat ng tao sa bilangguan na nakagawa ng masama nawa'y magsisi na sila sa kanilang mga kasalanan at magbagong buhay. Tulad ng isang ina nawa ay gabayan ni Maria ang bawat kabataan na gawin ang tama para sa kanilang pamilya, kapa athigit sa lahat sa bayan. Nawa ay magising din ang lahat ng tao upang sagipin na nila ang inang kalikasan na ngayon ay nasa delikado nang kalagayan. Nawa ay hipuin ni Maria ang bawat puso ng mga tao para muling maibalik ang dating kaayusan ng mundong ating tinitirhan.
      Santa Maria Ina ng Diyos nawa ay pakinggan mo ang bawat kahilangan ng mga taong lumalapit sa Iyo at sana sa pamamagitan ng sanaysay na ito ay magising na tayo at makitang may iisang Ina ang lahat ng tao na laging kumakatok sa ating puso at nagsisilbing gabay para pahalagahan natin ang buhay na kaloob sa atin.

Tuesday, March 29, 2011

Pag-ibig sa Tinubuang Samahan

        

   Ma kakaranas ka bang mapahiwalay sa mahal mo sa buhay o sa isang samahan na malapit sa iyo ang bagay na ito ay hindi talaga nating maiiwasan at talaga ang pangyayari ito ay magdadala sa atin ng matinding kalungkutan. Ang kalungkutan ay nararamdaman natin ng paunti -unti habang nalalapit ang paglayo natin sa kanila at kung minsan na inaakala nating tanggap na natin ang pangyayaring ito ay iyon pala'y hindi at para bang gusto natin silang balikan ngunit hindi natin magawa dahil sa dahilan natin kung bakit natin sila hiniwalayan.

flickr.com
   
  Iba't ibang sanhi ang nagiging dahilan upang mapahiwalay tayo sa isang samahan na matagal na nating nakasama at naging bahagi na ating buhay pero kung susuriin natin sabi nga ng iba na ang lahat ng bagay ay may dahilan kaya nangyayari sa atin at siguro ito rin ang nais ng Diyos sa atin. Datapwat nay nga tao na hindi ito matanggap at dahil dito inaalipin sila ng sobrang kalungkutan na nagiging sanhi naman para gumawa sila ng maling bagay.Pero maiiwasan ang paggawa ng maling bagay kung matututo lang tayong maging "positive thinker" na iisipin lang natin ay magagandang dulot ng ating paglisan at hindi ang masasamang dulot nito na nagpapahirap sa atin sa pagtanggap sa pangyayaring ito.
Ma kakaranas ka bang mapahiwalay sa mahal mo sa buhay o sa isang samahan na malapit sa iyo ang bagay na ito ay hindi talaga nating maiiwasan at talaga ang pangyayari ito ay magdadala sa atin ng matinding kalungkutan. Ang kalungkutan ay nararamdaman natin ng paunti -unti habang nalalapit ang paglayo natin sa kanila at kung minsan na inaakala nating tanggap na natin ang pangyayaring ito ay iyon pala'y hindi at para bang gusto natin silang balikan ngunit hindi natin magawa dahil sa dahilan natin kung bakit natin sila hiniwalayan.
leslieuncovered.blogspot.com
   Tulad ko na makakaranas ding mapahiwalay sa isang samahan na tatlong taon ko nakasama at naging bahagi na ng aking buhay ngunit dumating ang panahon na ito nga mawawalay ako sa kanila at sa totoo lang matagal na panahon ko rin bago ito natanggap at nakaramdam din ako ng kalungkutan. Pero hindi ako nagpatalo sa kalungkutan at sa halip umisip ako ng mga positibong bagay na makakatulong sa akin para matanggap ko ang bagay na ito. May limang bagay akong inisip kung sakaling makakaranas akong mapahiwalay sa kanila na nagamit ko naman para matanggap ko kahit papaano ang aking paglisan at ngayon nais kong maibahagi ito sa inyo lalo na sa mga tao na makakaranas mapahiwalay sa kanilang mga mahal sa buhay at nawa ay makatulong din sa inyo upang kahit papaano matanggap ninyo ang inyong paglisan sa mga makakaranas nito.
    Unang-unang bagay na pumasok sa isipan ko ng malaman kong mapapawalay ako sa isang samahan ay ito na ang lahat ng bagay ay nangyayari ayon sa plano ng Diyos o ang tinatawag na tadhana. Siguro nakatadhanang mapaalis na ako sa samahang iyon ngunit sa kabila noon naniniwala rin ako na ang lahat ng bagay ay may dahilan kaya nangyayari kaya sigurado akong may dahilan ang diyos kaya niya ito ginawa sa akin at kung ano man ito nakakasigurado akong ito ay para sa aking kabutihan. Ang tangi lang nating magagawa ayhanapin ang dahilan ng Diyos sa bagong yugto sa ating buhay at magsimula ng bagong araw pagkatapos ng matinding unos na ito.
     Ang ikalawa naman ay ito, hindi lingid sa kaalaman natin ang patuloy na pag-unlad ng ating teknolohiya sa kasalukuyan at sa mga teknolohiyang ito ay maraming bagay ang magagamit natin sa pakikipag-ugnayan sa bawat isa nariyan ang cellphone na pwedeng gamitin sa pagtetext o sa pagtawag sa mga mahal natin sa buhay, nariyan din ang computer na may internet na pwedeng gamitin ang iba't -ibang website na may kinalaman sa pakiikipag-ugnayan tulad ng email na may chat at facebook na magagamit din sa pakikipag-ugnayan sa kapwa. Ang mga bagay na ito ang naisip ko para kahit mapawalay ako sa kanila may magagamit pa rin akong komunikasyon sa aking mga mahal sa buhay at ito rin ay makakatulong para hindi  mamiss ng bawat isa ang kanilang mga mahal sa buhay na malayo sa kanilang piling.
      Ang ikatlo naman ay para sa sarili nating kalakasan dahil minsan sa mga ganitong problema tayo pinaghihinaan ng loob pero kung magiging malakas tayo sa pagharap sa problemang ito malalamasan natin ang ating sariling kahinaan at magkaaroon tayo ng lakas mgpatuloy sa buhay. Ang kalakasan na harapin ang dahilan ng ating paglisan sa isang samahan na alam kong lubhang napakahirap at kung minsan sinisisi pa natin ang ating sarili sa bagay na ito. Pero kung magkakaroon tayo ng lakas ng loob na harapin ito magiging madali ang pagtanggap natin sa bagay na ito at ang tanging paraan ay pagisipan mo ang mabubuting dulot ng iyong paglisan sa kanila. Kung malalaman mo ang mga kabutihang ito magiging madali na sa iyo ang pagtanggap sa katotohanan na talagang kailangan ninyong magkahiwalay.
     Kung hindi pa sapat ang mga bagay na ito para matanggap ninyo ang inyong paglisan sa kanila at talagang napakasakitnito para sa inyo narito ba ang dalawang maiipayo ko sa inyo upang sa ganoon ay matanggap ninyo ng buong puso ang inyong paglisan. Sa pagpapatuloy, ang pang apat ay isipin mong may buhay pagkatapos ng unos sa inyong buhay. Isipin ninyo na sa paghihiwalay ng inyong mga landas may mga bago kayong makikilala na tutulong para mahilom ang mga sugat na nilikha ng pagkakahiwalay. Ang panlima ay may  kaugnayan sa pang apat dahil sa pagkakaranas ninyong magkawalay at makatagpo ng bagong simula sa buhay ay tiyak na magiging matatag kayo sa inyong buhay magkakaroon kayo ng determinasyon sa inyong sarili para hindi na muli magawa ang mga bagay na naging sanhi ng pagkawalay sa isang samahan. Magsisikap ka pa ng mas doble o mas higit ba sa dating ikaw para hindi na maulit ang pait ng pagkakahiwalay ito anh panlima at huling bagay na maiipayo ko sa inyo.
      Itong limang bagay na ito ang nasa - isip ko hanggang ngayon na naging dahilan para kahit papaano ay matanggap ko ang isa sa mapapait na parte ng aking buhay at nawa ay makatulong din ito sa inyo sa oras na maranasan ninyo o nararanasan na ninyo ang pait ng paghiwalay sa mga mahal natin sa buhay at sana maging gabay din ninyo ito sa pagsisimula ng bagong buhay. Kaya ang aral na natutunan ko sa bahaging ito ng aking buhay ay habang maaga pa at may magagawa ka pa para maiwasan ang mga bagay na ito na ayaw mong mangyari sa inyong buhay ay gawin muna bago mahuli ang lahat at baka pagsisihan mo pa pagdating ng araw na lalo pang magpahirap sa inyo sa pagtanggap sa bagay na ito.


    
   
   
  
    

Thursday, February 24, 2011

Habang may Buhay may Pag-asa ( Ang talambuhay ni Mark Joseph G. Caneo )

Ako sa Kasalukuyan
     Ang talambuhay ay sumasalamin sa pagkatao ng isang nilalang  sapagkat kung alam mo ang talambuhay ng isang nilalang malalaman mo ang lahat ng pangyayari sa buhay niya na magiging daan upang makilalama siya ng lubusan. Ang isa pang kahalagahan ng talambuhay ay nililikha ito upang magbahagi ng mga karanasan sa buhay na maaring magbigay ng aral at solusyon sa sariling buhay ng mga mambabasa. Nakakatulong din ang talambuhay sa isang tao sa pagpapalabas ng sariling emosyon dahil habang sinusulat ang isang talambuhay ay nababalikan ang mga pangyayari sa nakaraan kasama ang mga emosyong naramdaman sa pangyayaring ito. Sa isang talambuhay may bahaging masaya at malungkot dahil sa buhay nating ito may hirap at may ginhawa. Tunay na ang saya -sayang gumawa ng talambuhay lalo na ng sarili mo dahil maiibahagi mo sa iba ang iyong karanasan sa buhay at magdudulot pa ito ng aral sa ibang mambabasa. Kaya ngayon mga mambabasa samahan ninyo akong balikan ang mga pangyayari sa aking buhay mula pagkabata hanggang sa kasalukuyan na sana'y magsilbing gabay ninyo sa sarili ninyong buhay.

Ang aking Pamilya

     Bago ang lahat nais ko munang ipakilala ang aking sarili, ako ay si Mark Joseph Caneo labing anim na taong gulang ngayong kasalukuyan. Ipinanganak ako noong Hulyo 28, 1994. Nakatira ako sa kasalukuyan sa Brgy. San Cristobal San Pablo City. Sa kasalukuyan ako ay nasa ikatlong antas ng mataas na paaralan ng Colonel Lauro D. Dizon Memorial National Highschool. Ang pangalan ng aking ina ay si Lilibeth G. Caneo at ang aking ama naman ay si Sonny G. Caneo. ang aking mga kapatid naman ay sina Reynel Caneo at Arvin Caneo at sila ang bumubuo sa aking pamilya.
      Tulad ng aking sinabi pinanganak ako noong Hulyo 28 ,1994 sa panahong ito nagsimula ang aking talambuhay. Siyam na buwan akong dinala ng aking ina sa kanyang sinapupunan hanggang sa ako'y maisilang at lubos akong nagpapasalamat sa bagay na iyon. Dito ako nakaranas kung paano mamuhay bilang bata, nakaranas akong uminom ng gatas sa bote, sumala sa higaan,, maging makulit na bata, maglaro kasama ang mga kalarong bata at marami pang iba na mginagawa ng isang bata.

Larawan ko ng ako ay Kinder
       Dumating ang araw na nagtapos na ang unang bahagi ng aking pagkabata kinailangan ko nang pumasok sa paaralan para matuto. Nagsimula ang panahon ng aking pagpasok bilang kinder sa paaralang San Rafael Day Care Center noong 2000- 2001 at noong panahon na iyon nakatira kami sa San Rafael S.P.C. Naging mahusay akong mag-aaral noong kinder at sa tulong ng aking magulang nakapagtapos ako ng kinder. Masayang masaya ang aking mga magulang ng araw na iyon at ganoon din ako kaya nangako ako sa aking sarili na mas pagbubutihan ko pa ang aking pag-aaral.
     Marami akong natutuhan sa buong taon ko sa kinder ngunit hindi dito nagtatapos ang panahon ng aking pag-aaral. Nagsimula na akong pumasok sa elementarya sa unang antas at mas lalo ko pang pinagbutihan ang pag-aaral sa mga panahon na iyon at nagbunga ito nakamit ko ang pagiging third honor hanggang sa Grade 3 ng aking elementarya sa paaralang Joel Town Primary School. Pero sa panahong iyon hanggang Grade 3 lang ang antas sa elementaryang naroon kaya kinakailangan kong lumipat sa Laurel Ville para magpatuloy sa pagaaral. Ang nakakalungkot ay ilang buwan lang ang nakakaraan ay nalipat kami ng bahay kaya napatigil ako sa pagpasok. Hanggang sa mapalipat kami sa San Cristobal sa lugar na ito ako nagpatuloy sa pagpasok sa elementarya hanggang sa makapagtapos at sa aking pagtatapos ay nagkamit ako ng iba't ibang parangal sa mga paligsahan at sa mga quiz bee at nakamit ko muli ang pagiging third honor hanggang sa aking pagtatapos. Labis ang katuwaan ng aking mga magulang ng panahong iyon.
      Para sa akin dito nagtatapos ang aking pagkabata dahil maraming bagay ang nangyari sa akin pagkatapos kong magtapos sa elementaryaat ang mga bagay na ito ay naging hudyat ng aking pagiging binata. Sa bahaging ito namulat ako sa tunay na buhay sa mundong ito, humarap ako sa maraming problema sa buhay, dito ako sinubok ng diyos at pinalakas at hanggang ngayon ang mga problemang ito ay aking nararanasan pa. Ang buhay ay talagang ganyan na kahit isa kaming mahirap na pamilya ay hindi pa rin kami sumusuko sa takbo ng buhay at sama -sama pa rin naming hinaharap ang buhay na ito.

Larawan ng Graduation ko sa Elementarya
       Nang magtapos ako ng elementarya pinaghandaan ko na ang susunod na bahagi ng aking buhay ang pagpasok sa high school at sa pagpasok ko bilang high school na mag-aaral ay may nagiisa akong layunin ito ay ang makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng trabaho upang makatulong ako sa aking pamilya. Dahil nangako ako sa aking pamilya na iaahon ko sila sa kahirapan na kanilang nararanasan ngayon.
      Pumasok ako ng high school sa paaralang Colonel Lauro D. Dizon Memorial National High School at sa paaralang ito naganap ang buhay ko bilang highschool na mag-aaral at ayon sa aking mga magulang na pinakamasayang panahon sa aking pag-aaral. Nagsimula akong pumasok sa high school bilang first year at dito may mga bago akong nakilala na naging kaibigan at kaklase. Sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay napapunta ako sa science section at dito nagumpisa ang aking highschool life. Simula palang ng aking pag-aaral sa high school ay inataki agad ako ng problema sa financial kaya muntik na ako mapatigil ngunit dahil sa kabutihan ng aking mga guro nakapagpatuloy ako at hindi naman ako sumuko at nagpatuloy sa pagpasok at kahit hindi na ako maging honor ay ayos na sa akindahil para sa akin ang mahalaga ay makapagtapos ng highschool. Nakapagtapos ako ng first year at mapalad dahil hindi ako naalis sa science.
     Sumunod na pasukan ay Sophomore na ako at habang tumatagal ay nagiging masaya na rin ang high school ko. Pero hindi nawala ang mga problema ko sa buhay ngunit iba na dahil hindi ako sumuko sa mga problemang ito at sa halip nagisip ako ng solusyon sa mga problemang ito. Sa awa ng Diyos nakapagtapos ako ng 2nd year high school.

Larawan ko ng ako ay Third Year High school
      Pero ngayong Senior na ako ay mas matinding problema at pagsubok ang binigay sa akin mga pagsubok na nagpatatag sa akin. Noong taong 2010 nagumpisa ako sa ikatlong antas sa high school ay sinubok kami ng isang problema at ito ay nang nawalan ng trabaho ang aking tatay grabeng paghihirap ang dinanas namin  na halos ikamatay na namin dahil sa ito lang ang inaasahan namin para mabuhay. Napatigil ang aking mga kapatid, dumanas kami ng matinding gutom, nawala lahat ang mga gamit namin dahil naipagbili at higit sa lahat muntik na naman akong mapatigil. Pero dahil hindi kami pinabayaan ng Diyos nakaraos kami hanggang ngayon sa tulong ng mga tao na handang tumulong sa amin at labis akong nagpapasalamat sa mga taong iyon.
     Dumating ang araw na tinanggap ko na, na ako ay mapapatigil sa third year at baka sa taon na magpatuloy pero tinulungan ako ng mga pinsan ko para makapagpatuloy sa pag-aaral kaya hanggang ngayon ay pumapasok pa ako at kahit na nahihirapan na ang mga pinsan ko sa pagpapaaral sa akin dahil hindi naman biro ang pagpapaaral ay hindi pa rin nila ako binibitiwan at buong puso pa rin silang nagbibigay.Lubos naman akong nagpapasalamat sa mga bagay na iyon at kahit na matanggal ako sa science magpapautuloy pa rin ako at mas pagbubutihan ko pa ang pag-aaral upang makapagtapos ng high school.
    Hanggang sa mga oras na ito at habang ginagawa ko ang talambuhay na ito ay marami pa rin akong kinakaharap na problema na magiging bahagi pa rin ng aking buhay pero magiging malakas ako sa pagharap sa mga ito at sigurado akong matatapos din ito dahil alam ko habang may buhay may pag-asa. Kaya sisiguraduhin kung pag nakapagtapos ako ng high school ay ako mismo ang mag-aahon sa aking pamilya at hindi ko sila pababayaan habang buhay.

    

Monday, February 14, 2011

Just Mark It (The History of my Blog Name)

       Being a remarkable is being a star to good things not in bad things this are the words that in my mind when I was creating the title of my blog. This title also gives me inspiration when I want to do good things. Good things that make me a remarkable one to other person and to myself. The title of my blog was made with the help of my teacher in computer subject and this was made also to persuade and give curiosity to the readers to open my blog.
       Being a remarkable is being a star to good things not in bad things this are the words that in my mind when I was creating the title of my blog. This title also gives me inspiration when I want to do good things. Good things that make me a remarkable one to other person and to myself. The title of my blog was made with the help of my teacher in computer subject and this was made also to persuade and give curiosity to the readers to open my blog.
      Being a remarkable son is a nice way because before you done good things to other you must be a good son first. Being a good son is also a way of respecting to your family. The primary way of being a remarkable son is to obey and respect our family were be belong. Another way is to love your family because loving your family will make you and your family happy.
      In school as a student being a remarkable one is when the whole lesson that you learned in your school time is will apply when you are already finding a job. Then the manager hired you because of your educational background. You can now say that you are a remarkable because you use your education in a good way.
      Being a Filipino citizen is already a remarkable one because for me, I’m proud to be a Filipino and I’m proud of what I am. Another way in being a remarkable is when you follow the rules, policy, and law in a particular place then you serve a model to everyone then you are remarkable citizens.
      There are many ways of being a remarkable person and the example above is only a few of them but this things is my own example of being a responsible because being remarkable is being acquaint to yourself that you act and done something great to other that make you and them happy. That the person and yourself cannot forget and it mark to their mind and heart the good things that you done  cannot forget and it mark to their mind and heart the good things that you done. You can now conclude that you are already a remarkable person to everyone because God give us free to choose and we choose the good things.
       The only thing that we must do is to maintain being a good person to everyone. So being an individual I’m must be responsible to my own blog. Because using blog in a bad ways will make me punish and make me a prisoner. I decided that the title of my blog is Remarkable Jose because this title will give me warning that me as an individual must write or post only good things to my blog to avoid being prisoner.
      The title Remarkable Jose gave me a lesson in my life and this is the reason why I choose this title in my blog. For me I cannot reproach the title of my blog because of its meaning, significance, and history on how I obtain in this title “Remarkable Jose”.