Tuesday, March 29, 2011

Pag-ibig sa Tinubuang Samahan

        

   Ma kakaranas ka bang mapahiwalay sa mahal mo sa buhay o sa isang samahan na malapit sa iyo ang bagay na ito ay hindi talaga nating maiiwasan at talaga ang pangyayari ito ay magdadala sa atin ng matinding kalungkutan. Ang kalungkutan ay nararamdaman natin ng paunti -unti habang nalalapit ang paglayo natin sa kanila at kung minsan na inaakala nating tanggap na natin ang pangyayaring ito ay iyon pala'y hindi at para bang gusto natin silang balikan ngunit hindi natin magawa dahil sa dahilan natin kung bakit natin sila hiniwalayan.

flickr.com
   
  Iba't ibang sanhi ang nagiging dahilan upang mapahiwalay tayo sa isang samahan na matagal na nating nakasama at naging bahagi na ating buhay pero kung susuriin natin sabi nga ng iba na ang lahat ng bagay ay may dahilan kaya nangyayari sa atin at siguro ito rin ang nais ng Diyos sa atin. Datapwat nay nga tao na hindi ito matanggap at dahil dito inaalipin sila ng sobrang kalungkutan na nagiging sanhi naman para gumawa sila ng maling bagay.Pero maiiwasan ang paggawa ng maling bagay kung matututo lang tayong maging "positive thinker" na iisipin lang natin ay magagandang dulot ng ating paglisan at hindi ang masasamang dulot nito na nagpapahirap sa atin sa pagtanggap sa pangyayaring ito.
Ma kakaranas ka bang mapahiwalay sa mahal mo sa buhay o sa isang samahan na malapit sa iyo ang bagay na ito ay hindi talaga nating maiiwasan at talaga ang pangyayari ito ay magdadala sa atin ng matinding kalungkutan. Ang kalungkutan ay nararamdaman natin ng paunti -unti habang nalalapit ang paglayo natin sa kanila at kung minsan na inaakala nating tanggap na natin ang pangyayaring ito ay iyon pala'y hindi at para bang gusto natin silang balikan ngunit hindi natin magawa dahil sa dahilan natin kung bakit natin sila hiniwalayan.
leslieuncovered.blogspot.com
   Tulad ko na makakaranas ding mapahiwalay sa isang samahan na tatlong taon ko nakasama at naging bahagi na ng aking buhay ngunit dumating ang panahon na ito nga mawawalay ako sa kanila at sa totoo lang matagal na panahon ko rin bago ito natanggap at nakaramdam din ako ng kalungkutan. Pero hindi ako nagpatalo sa kalungkutan at sa halip umisip ako ng mga positibong bagay na makakatulong sa akin para matanggap ko ang bagay na ito. May limang bagay akong inisip kung sakaling makakaranas akong mapahiwalay sa kanila na nagamit ko naman para matanggap ko kahit papaano ang aking paglisan at ngayon nais kong maibahagi ito sa inyo lalo na sa mga tao na makakaranas mapahiwalay sa kanilang mga mahal sa buhay at nawa ay makatulong din sa inyo upang kahit papaano matanggap ninyo ang inyong paglisan sa mga makakaranas nito.
    Unang-unang bagay na pumasok sa isipan ko ng malaman kong mapapawalay ako sa isang samahan ay ito na ang lahat ng bagay ay nangyayari ayon sa plano ng Diyos o ang tinatawag na tadhana. Siguro nakatadhanang mapaalis na ako sa samahang iyon ngunit sa kabila noon naniniwala rin ako na ang lahat ng bagay ay may dahilan kaya nangyayari kaya sigurado akong may dahilan ang diyos kaya niya ito ginawa sa akin at kung ano man ito nakakasigurado akong ito ay para sa aking kabutihan. Ang tangi lang nating magagawa ayhanapin ang dahilan ng Diyos sa bagong yugto sa ating buhay at magsimula ng bagong araw pagkatapos ng matinding unos na ito.
     Ang ikalawa naman ay ito, hindi lingid sa kaalaman natin ang patuloy na pag-unlad ng ating teknolohiya sa kasalukuyan at sa mga teknolohiyang ito ay maraming bagay ang magagamit natin sa pakikipag-ugnayan sa bawat isa nariyan ang cellphone na pwedeng gamitin sa pagtetext o sa pagtawag sa mga mahal natin sa buhay, nariyan din ang computer na may internet na pwedeng gamitin ang iba't -ibang website na may kinalaman sa pakiikipag-ugnayan tulad ng email na may chat at facebook na magagamit din sa pakikipag-ugnayan sa kapwa. Ang mga bagay na ito ang naisip ko para kahit mapawalay ako sa kanila may magagamit pa rin akong komunikasyon sa aking mga mahal sa buhay at ito rin ay makakatulong para hindi  mamiss ng bawat isa ang kanilang mga mahal sa buhay na malayo sa kanilang piling.
      Ang ikatlo naman ay para sa sarili nating kalakasan dahil minsan sa mga ganitong problema tayo pinaghihinaan ng loob pero kung magiging malakas tayo sa pagharap sa problemang ito malalamasan natin ang ating sariling kahinaan at magkaaroon tayo ng lakas mgpatuloy sa buhay. Ang kalakasan na harapin ang dahilan ng ating paglisan sa isang samahan na alam kong lubhang napakahirap at kung minsan sinisisi pa natin ang ating sarili sa bagay na ito. Pero kung magkakaroon tayo ng lakas ng loob na harapin ito magiging madali ang pagtanggap natin sa bagay na ito at ang tanging paraan ay pagisipan mo ang mabubuting dulot ng iyong paglisan sa kanila. Kung malalaman mo ang mga kabutihang ito magiging madali na sa iyo ang pagtanggap sa katotohanan na talagang kailangan ninyong magkahiwalay.
     Kung hindi pa sapat ang mga bagay na ito para matanggap ninyo ang inyong paglisan sa kanila at talagang napakasakitnito para sa inyo narito ba ang dalawang maiipayo ko sa inyo upang sa ganoon ay matanggap ninyo ng buong puso ang inyong paglisan. Sa pagpapatuloy, ang pang apat ay isipin mong may buhay pagkatapos ng unos sa inyong buhay. Isipin ninyo na sa paghihiwalay ng inyong mga landas may mga bago kayong makikilala na tutulong para mahilom ang mga sugat na nilikha ng pagkakahiwalay. Ang panlima ay may  kaugnayan sa pang apat dahil sa pagkakaranas ninyong magkawalay at makatagpo ng bagong simula sa buhay ay tiyak na magiging matatag kayo sa inyong buhay magkakaroon kayo ng determinasyon sa inyong sarili para hindi na muli magawa ang mga bagay na naging sanhi ng pagkawalay sa isang samahan. Magsisikap ka pa ng mas doble o mas higit ba sa dating ikaw para hindi na maulit ang pait ng pagkakahiwalay ito anh panlima at huling bagay na maiipayo ko sa inyo.
      Itong limang bagay na ito ang nasa - isip ko hanggang ngayon na naging dahilan para kahit papaano ay matanggap ko ang isa sa mapapait na parte ng aking buhay at nawa ay makatulong din ito sa inyo sa oras na maranasan ninyo o nararanasan na ninyo ang pait ng paghiwalay sa mga mahal natin sa buhay at sana maging gabay din ninyo ito sa pagsisimula ng bagong buhay. Kaya ang aral na natutunan ko sa bahaging ito ng aking buhay ay habang maaga pa at may magagawa ka pa para maiwasan ang mga bagay na ito na ayaw mong mangyari sa inyong buhay ay gawin muna bago mahuli ang lahat at baka pagsisihan mo pa pagdating ng araw na lalo pang magpahirap sa inyo sa pagtanggap sa bagay na ito.


    
   
   
  
    

No comments:

Post a Comment