Thursday, February 24, 2011

Habang may Buhay may Pag-asa ( Ang talambuhay ni Mark Joseph G. Caneo )

Ako sa Kasalukuyan
     Ang talambuhay ay sumasalamin sa pagkatao ng isang nilalang  sapagkat kung alam mo ang talambuhay ng isang nilalang malalaman mo ang lahat ng pangyayari sa buhay niya na magiging daan upang makilalama siya ng lubusan. Ang isa pang kahalagahan ng talambuhay ay nililikha ito upang magbahagi ng mga karanasan sa buhay na maaring magbigay ng aral at solusyon sa sariling buhay ng mga mambabasa. Nakakatulong din ang talambuhay sa isang tao sa pagpapalabas ng sariling emosyon dahil habang sinusulat ang isang talambuhay ay nababalikan ang mga pangyayari sa nakaraan kasama ang mga emosyong naramdaman sa pangyayaring ito. Sa isang talambuhay may bahaging masaya at malungkot dahil sa buhay nating ito may hirap at may ginhawa. Tunay na ang saya -sayang gumawa ng talambuhay lalo na ng sarili mo dahil maiibahagi mo sa iba ang iyong karanasan sa buhay at magdudulot pa ito ng aral sa ibang mambabasa. Kaya ngayon mga mambabasa samahan ninyo akong balikan ang mga pangyayari sa aking buhay mula pagkabata hanggang sa kasalukuyan na sana'y magsilbing gabay ninyo sa sarili ninyong buhay.

Ang aking Pamilya

     Bago ang lahat nais ko munang ipakilala ang aking sarili, ako ay si Mark Joseph Caneo labing anim na taong gulang ngayong kasalukuyan. Ipinanganak ako noong Hulyo 28, 1994. Nakatira ako sa kasalukuyan sa Brgy. San Cristobal San Pablo City. Sa kasalukuyan ako ay nasa ikatlong antas ng mataas na paaralan ng Colonel Lauro D. Dizon Memorial National Highschool. Ang pangalan ng aking ina ay si Lilibeth G. Caneo at ang aking ama naman ay si Sonny G. Caneo. ang aking mga kapatid naman ay sina Reynel Caneo at Arvin Caneo at sila ang bumubuo sa aking pamilya.
      Tulad ng aking sinabi pinanganak ako noong Hulyo 28 ,1994 sa panahong ito nagsimula ang aking talambuhay. Siyam na buwan akong dinala ng aking ina sa kanyang sinapupunan hanggang sa ako'y maisilang at lubos akong nagpapasalamat sa bagay na iyon. Dito ako nakaranas kung paano mamuhay bilang bata, nakaranas akong uminom ng gatas sa bote, sumala sa higaan,, maging makulit na bata, maglaro kasama ang mga kalarong bata at marami pang iba na mginagawa ng isang bata.

Larawan ko ng ako ay Kinder
       Dumating ang araw na nagtapos na ang unang bahagi ng aking pagkabata kinailangan ko nang pumasok sa paaralan para matuto. Nagsimula ang panahon ng aking pagpasok bilang kinder sa paaralang San Rafael Day Care Center noong 2000- 2001 at noong panahon na iyon nakatira kami sa San Rafael S.P.C. Naging mahusay akong mag-aaral noong kinder at sa tulong ng aking magulang nakapagtapos ako ng kinder. Masayang masaya ang aking mga magulang ng araw na iyon at ganoon din ako kaya nangako ako sa aking sarili na mas pagbubutihan ko pa ang aking pag-aaral.
     Marami akong natutuhan sa buong taon ko sa kinder ngunit hindi dito nagtatapos ang panahon ng aking pag-aaral. Nagsimula na akong pumasok sa elementarya sa unang antas at mas lalo ko pang pinagbutihan ang pag-aaral sa mga panahon na iyon at nagbunga ito nakamit ko ang pagiging third honor hanggang sa Grade 3 ng aking elementarya sa paaralang Joel Town Primary School. Pero sa panahong iyon hanggang Grade 3 lang ang antas sa elementaryang naroon kaya kinakailangan kong lumipat sa Laurel Ville para magpatuloy sa pagaaral. Ang nakakalungkot ay ilang buwan lang ang nakakaraan ay nalipat kami ng bahay kaya napatigil ako sa pagpasok. Hanggang sa mapalipat kami sa San Cristobal sa lugar na ito ako nagpatuloy sa pagpasok sa elementarya hanggang sa makapagtapos at sa aking pagtatapos ay nagkamit ako ng iba't ibang parangal sa mga paligsahan at sa mga quiz bee at nakamit ko muli ang pagiging third honor hanggang sa aking pagtatapos. Labis ang katuwaan ng aking mga magulang ng panahong iyon.
      Para sa akin dito nagtatapos ang aking pagkabata dahil maraming bagay ang nangyari sa akin pagkatapos kong magtapos sa elementaryaat ang mga bagay na ito ay naging hudyat ng aking pagiging binata. Sa bahaging ito namulat ako sa tunay na buhay sa mundong ito, humarap ako sa maraming problema sa buhay, dito ako sinubok ng diyos at pinalakas at hanggang ngayon ang mga problemang ito ay aking nararanasan pa. Ang buhay ay talagang ganyan na kahit isa kaming mahirap na pamilya ay hindi pa rin kami sumusuko sa takbo ng buhay at sama -sama pa rin naming hinaharap ang buhay na ito.

Larawan ng Graduation ko sa Elementarya
       Nang magtapos ako ng elementarya pinaghandaan ko na ang susunod na bahagi ng aking buhay ang pagpasok sa high school at sa pagpasok ko bilang high school na mag-aaral ay may nagiisa akong layunin ito ay ang makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng trabaho upang makatulong ako sa aking pamilya. Dahil nangako ako sa aking pamilya na iaahon ko sila sa kahirapan na kanilang nararanasan ngayon.
      Pumasok ako ng high school sa paaralang Colonel Lauro D. Dizon Memorial National High School at sa paaralang ito naganap ang buhay ko bilang highschool na mag-aaral at ayon sa aking mga magulang na pinakamasayang panahon sa aking pag-aaral. Nagsimula akong pumasok sa high school bilang first year at dito may mga bago akong nakilala na naging kaibigan at kaklase. Sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay napapunta ako sa science section at dito nagumpisa ang aking highschool life. Simula palang ng aking pag-aaral sa high school ay inataki agad ako ng problema sa financial kaya muntik na ako mapatigil ngunit dahil sa kabutihan ng aking mga guro nakapagpatuloy ako at hindi naman ako sumuko at nagpatuloy sa pagpasok at kahit hindi na ako maging honor ay ayos na sa akindahil para sa akin ang mahalaga ay makapagtapos ng highschool. Nakapagtapos ako ng first year at mapalad dahil hindi ako naalis sa science.
     Sumunod na pasukan ay Sophomore na ako at habang tumatagal ay nagiging masaya na rin ang high school ko. Pero hindi nawala ang mga problema ko sa buhay ngunit iba na dahil hindi ako sumuko sa mga problemang ito at sa halip nagisip ako ng solusyon sa mga problemang ito. Sa awa ng Diyos nakapagtapos ako ng 2nd year high school.

Larawan ko ng ako ay Third Year High school
      Pero ngayong Senior na ako ay mas matinding problema at pagsubok ang binigay sa akin mga pagsubok na nagpatatag sa akin. Noong taong 2010 nagumpisa ako sa ikatlong antas sa high school ay sinubok kami ng isang problema at ito ay nang nawalan ng trabaho ang aking tatay grabeng paghihirap ang dinanas namin  na halos ikamatay na namin dahil sa ito lang ang inaasahan namin para mabuhay. Napatigil ang aking mga kapatid, dumanas kami ng matinding gutom, nawala lahat ang mga gamit namin dahil naipagbili at higit sa lahat muntik na naman akong mapatigil. Pero dahil hindi kami pinabayaan ng Diyos nakaraos kami hanggang ngayon sa tulong ng mga tao na handang tumulong sa amin at labis akong nagpapasalamat sa mga taong iyon.
     Dumating ang araw na tinanggap ko na, na ako ay mapapatigil sa third year at baka sa taon na magpatuloy pero tinulungan ako ng mga pinsan ko para makapagpatuloy sa pag-aaral kaya hanggang ngayon ay pumapasok pa ako at kahit na nahihirapan na ang mga pinsan ko sa pagpapaaral sa akin dahil hindi naman biro ang pagpapaaral ay hindi pa rin nila ako binibitiwan at buong puso pa rin silang nagbibigay.Lubos naman akong nagpapasalamat sa mga bagay na iyon at kahit na matanggal ako sa science magpapautuloy pa rin ako at mas pagbubutihan ko pa ang pag-aaral upang makapagtapos ng high school.
    Hanggang sa mga oras na ito at habang ginagawa ko ang talambuhay na ito ay marami pa rin akong kinakaharap na problema na magiging bahagi pa rin ng aking buhay pero magiging malakas ako sa pagharap sa mga ito at sigurado akong matatapos din ito dahil alam ko habang may buhay may pag-asa. Kaya sisiguraduhin kung pag nakapagtapos ako ng high school ay ako mismo ang mag-aahon sa aking pamilya at hindi ko sila pababayaan habang buhay.

    

Monday, February 14, 2011

Just Mark It (The History of my Blog Name)

       Being a remarkable is being a star to good things not in bad things this are the words that in my mind when I was creating the title of my blog. This title also gives me inspiration when I want to do good things. Good things that make me a remarkable one to other person and to myself. The title of my blog was made with the help of my teacher in computer subject and this was made also to persuade and give curiosity to the readers to open my blog.
       Being a remarkable is being a star to good things not in bad things this are the words that in my mind when I was creating the title of my blog. This title also gives me inspiration when I want to do good things. Good things that make me a remarkable one to other person and to myself. The title of my blog was made with the help of my teacher in computer subject and this was made also to persuade and give curiosity to the readers to open my blog.
      Being a remarkable son is a nice way because before you done good things to other you must be a good son first. Being a good son is also a way of respecting to your family. The primary way of being a remarkable son is to obey and respect our family were be belong. Another way is to love your family because loving your family will make you and your family happy.
      In school as a student being a remarkable one is when the whole lesson that you learned in your school time is will apply when you are already finding a job. Then the manager hired you because of your educational background. You can now say that you are a remarkable because you use your education in a good way.
      Being a Filipino citizen is already a remarkable one because for me, I’m proud to be a Filipino and I’m proud of what I am. Another way in being a remarkable is when you follow the rules, policy, and law in a particular place then you serve a model to everyone then you are remarkable citizens.
      There are many ways of being a remarkable person and the example above is only a few of them but this things is my own example of being a responsible because being remarkable is being acquaint to yourself that you act and done something great to other that make you and them happy. That the person and yourself cannot forget and it mark to their mind and heart the good things that you done  cannot forget and it mark to their mind and heart the good things that you done. You can now conclude that you are already a remarkable person to everyone because God give us free to choose and we choose the good things.
       The only thing that we must do is to maintain being a good person to everyone. So being an individual I’m must be responsible to my own blog. Because using blog in a bad ways will make me punish and make me a prisoner. I decided that the title of my blog is Remarkable Jose because this title will give me warning that me as an individual must write or post only good things to my blog to avoid being prisoner.
      The title Remarkable Jose gave me a lesson in my life and this is the reason why I choose this title in my blog. For me I cannot reproach the title of my blog because of its meaning, significance, and history on how I obtain in this title “Remarkable Jose”. 







Ang Tunay na Salarin ( The film Review of Percy Jackson and Olympians The LIghtning Thief )

     Ang pelikula ay noon pa man ay  bahagi na ng buhay ng tao. Minsan nga sa panonood natin nito nalilimutan na natin ang mga masasamang bagay o pangyayari sa ating buhay. Kung minsan rin ang mga  pelikulang ito ay nagbibigay sa atin ng aral, mensahe at higit sa lahat nagbibigay ito ng kasiyahan sa mga manonood. Ang pelikula ay maaring ikategorya batay sa kanilang pagkakayari mayroong komedya na nagpapatawa sa atin, may drama na nagpapaiyak sa atin, mayroon namang tungkol sa pag-ibig na nagiging batayan ntin sa sarili nating pag-ibig at  meron din namang pakikipagsapalaran na may kasamang aksyon at labanan.
     Ito ay ilan lamang sa uri ng pelikulang na ating tinatangkilik at lagi nating pinapanood. Malaki ang nagiging impluwensya ng pelikula sa ating buhay mayroong nakakatulong at nakakasama sa atin ngunit kahit ganito ang mga pelikula hindi pa rin natin mapigilan ang panonood dito. tunay na ang sarap manood ng pelikula na kung minsan pa ay ang mga emosyong inilalabas nito ay nararamdaman ntin habang pinanapanood. Kaya ngayon mga manood samahan ninyo akong balikan ang isang pelikulang puno ng aral, kababalaghan at mga pangyayaring hindi magkakatotoo sa tunay na buhay na sa pelikula lang natin makikita.
     Bago natin ibalik tanaw ang  pelikulang ito ay alamin muna natin ang mga tauhan, pamagat ng pelikula ating tatalakayin at ang direktor nito. Ang pelikulang ating tatalakayin ay may pamagat na Percy Jackson and The Olympian The Lightning Thief. Ang mga pangunahing tauhan naman sa pelikulang ito ay sina Logan Lerman na gumanap bilang Percy Jackson, si Annabeth Chase na ginampanan ni Alexandra Dadario, si Grover Underwood na ginampanan Brandon T. Jackson at si Luke na ginampanan ni Jake Abel. Ang mga gumanap namang olympian Gods ay sina Zeus na ginampanan ni Sean Bean, si Poseidon na ginampanan ni Kevin Mckidd, si Hades na ginampanan ni Steve Coogan. Sila ang mga pangunahing Olympian Gods na ating makikila sa pelikulang ating tatalakayin. Ang mga gumanap naman bilang Mythical Creatures  ay sina Uma Therman na gumanap bilang Medusa, Pierce Brosnan na gumanap bilang Chiron/ Mr. Brunner. Sila ang ilan sa mga gumanap bilang mythical creatures sa pelikulang ating tatalakayin. Ang mga gumanap namang mga karaniwang tao ay sina Catherine Keener na gumanap bilang Sally ang ina ni Percy at si Joe Pantoliano na gumanap bilang Gabe Ugliano ang ama- amahan ni Percy. Ito ang ilan sa mga tauhan sa pelikulang Percy Jackson and Olympians The Lightning Thief na dinereksyon ni Chris Columbus.
     Ang pelikulang ating ibabalik tanaw ay maaaring ikategorya sa isang pakikipagsapalaran ng isang anak hindi lang basta anak, isang anak ng Diyos na napagbintangan na magnanakaw ng isang bagay na lubhang mahalaga sa Diyos ng Kalangitan. Alam kong gusto nyo nang malaman ang buong pangyayari kaya samahan nyo akong balikan ang mga pangyayari sa pelikulang ito.
     Sa umpisa ng pelikula, makikita natin nasa taas ng Empire State Building ang Olympian Gods na sina Zeus at Poseidon. Nagkita sila doon upang ibulalas ni Zeus kay Poseidon na nawawala ang kanyang lightning bolt na lubhang mahalaga sa kanya. Sa kasamaang palad, sinabi ni Zeus kay Poseidon na pinagbibintangan niya na kumuha ng lightning bolt ay ang anak nitong si Percy Jackson. Pinaalalahanan naman ni Poseidon ang kanyang anak tungkol sa bagay na ito.
     Habang si Zeus naman ay nagtakda na kapag hindi naibalik ni Percy ang lightning bolt sa kanya bago ang susunod na sultisyo ng tag- araw( summer solstice) ay magakakaroon ng matinding digmaan. Si Percy ay isang labing- pitong taung gulang na binatilyo na may kakaibang abilidad na manatili sa ilalim ng tubig sa mahabang oras. Habang sina Percy ay nasa isang local museum ay inatake si Percy ng isang fury na ang tanging nais ay ibigay sa kanya ang sinasabing ninakaw daw ni Percy ang lightning bolt ngunit sumagot si Percy na ito ay isang kasinungalingan sapagkat wala siyang kinukuhang anumang bagay. Habang inaatake ng fury si Percy, dumating sina Grover Undewood ang matalik na kaibigan ni Percy at ang guro niyang si Mr. Brunner, sila ay parehong kapansanan sa paa at sila ang nagpaalis sa fury. Pagkatapos mapag- aralan ang dahilan ng pagsugod ng fury, sinabi ni Mr. Brunner na dalhin si Percy at ang ina nitong si Sally sa Camp Halfblood at para na rin makaalis sa ama amahan niyang masama ang ugali na si Gabe Ugliano.
     Sa hindi inaasahang pangyayari habang sila ay papunta sa kampo, silang tatlo ay inatake ng isang minotaur at dahil hindi makapasok si Sally sa kampo sapagkat siya ay isang mortal kaya` t pinilit ni Percy na patayin ang minotaur at nagtagumpay naman siya ngunit nakuha naman nila ang ina nitong si Sally at sa pagkabigla sa nangyari nawalan ng malay si Percy.
     Tatlong araw ang lumipas, si Percy ay nagising na at natutunan na niyang siya ay talagang anak ni Poseidon
at si Grover ay isa talagang satyr at kanyang tagapagtanggol at si Mr. Brunner ay isa palang centaur Chiron. Si Chiron ay nagpayo kay Percy na pumunta sa Mt. Olympus at kumbinsihin si Zeus na hindi talaga siya ang kumuha ng lightning bolt. Nagsimula naman ang pagsasanay ni Percy para magamit niya ang kanyang kapangyarihan bilang anak ng Diyos ng tubig at upang makilala ang ibang anak ng Diyos kabilang sina Annabeth, anak ni Athena, at si Luke ang anak ni Hermes. Pagkatapos ng isang grupong pagsasanay, binisita sila ni Hades ang tiyo ni Percy at sinabi na sa kanya ang ina nito na makukuha lamang ang ina kung ibibigay at ilalabas ni Percy ang lightning bolt. Kahit ayaw ni Chiron na pumunta doon sa Percy ay nagdesisyon pa rin itong pumunta upang iligtas ang ina, sinamahan naman siya ni Grover at Annabeth. Binisita nila si Luke at binigyan sila nito ng mapa kung saan doon makikita ang hahanapin nilang tatlong perlas na gagamitin nila para makaalis sa underworld sinamahan din ito ng isang lumang kalasag at sapatos na may pakpak na ninakaw pa ni Luke sa ama niya.
     Ang tatlo ay pumunta sa unang lokasyon kung saan nila makukuha ang unang perlas at sa paghahanap nila nito ay nakalaban nila si Medusa. Pinugutan ni Percy ng ulo si Medusa at natagpuan din niya ang unang perlas sa may kamay ni Medusa. Ang tatlo ay pumunta naman sa susunod na destinasyon atayon sa mapa ito ay nasa Parthenon sa Nashville. Nakita nila doon ang ikalawang perlas sa taas ng estatwa ni Athena at doon ginamit niya ang sapatos na may pakpak para makuha ang perlas. Nagtagumpay naman sila ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nasagupa nila ang Hydra. Ang Hydra ay nagawang talunin ni Grover  sa pamamagitan ng ulo ni Medusa. Ang huling perlas ay sinimulan na nilang hanapin at natagpuan nila ito sa Las Vegas sa Lotus Casino ngunit ang tatlo ay nakakain ng Lotus plant na naging sanhi ng pagkalimot nila sa tunay nilang layunin. Namalagi sila doon ng ilang araw dahil sa pagkalimot nila hanggang sa matauhan si Percy sa tulong ng kanyang ama. Dagli-dagli silang tumakas sa lugar na iyon pagkakuha sa ikatlong perlas.
     Ayon sa mapa ang Underworld daw ay matatagpuan sa Hollywood kaya ang tatlo ay pumunta salugar na iyon. Nang nakarating na sila sa undeworld at nakita nila si Hades ay pinakita naman ni Hades ang ina ni Percy na si Sally. Niyakap naman ni Percy ang ina niya at binitiwan ang kalasag niya at sa hindi inaasahang pagkakataon nakita ni Hades ang lightning bolt sa kalasag na binitiwan ni Percy. Dahil sa nangyaring ito napagtanto nina Percy na ang nagnakaw ng lightning bolt ay si Luke sapagkat kanya ang kalasag na ito. Nang makuha ni Hades ang lightning bolt ay inutos na nitong patayin sina Percy.Nilinlang naman ni Persephone si Hades at hindi sinunod ang utos na ito at sa halip ay ibinigay niya kina Percy ang lightning bolt sa kada hilanang ayaw niyang makasama si Hades habang buhay. Samantala dahil sa tatatlo lang ang perlas na nakuha nila tatlo lang ang makaalis sa kanila kaya sina Percy, Sally, Annabeth lang ang nakaalis para ibalik kay Zeus ang ligthning bolt at nagpaiwan nalang si Grover. Ang tatlo ay nakarating na sa Empire State Building kung saan dadaan patungong Mt. Olympus ngynit nasagupa nila dito si Luke. Sinabi ni Luke ang dahilan kung bakit niya ninakaw ang lightning bolt ito ay sa kadahilanang gusto niyang masira ang Mt. Olympus at maging bagong tahanan ng mga Diyos ang lugar nila. Naglaban sina Percy at luke at nanalo naman si Percy. Dagli- dagli silang pumunta sa Mt. Olympus at bago mahuli ang lahat ay naibalik nila ang lightning bolt kay Zeus. Pinaliwanag ni Percy na hindi siya ang kumuha ng lightning bolt at ang totoong nagnakaw nito ay si Luke ang anak ni Hermes. Pinatawad naman ni Zeus si Percy at biniyaang magkausap ang mag- ama. Natapos ang pelikulang ito ng bumalik muli si Percy sa kampo nila kung saan siya nababagay kasama sina Annabeth at Grover at doon muli siyang nagsanay at namalagi.
      Nasaksihan na natin ang istorya at nalaman na rin natin ang mga nagsiganap sa pelikulang ating binalik tanaw ngayon naman alamin natin ang mensahe at aral na gustong ipahatid sa atin ng pelikulang ito. Sapagkat alam natin na ang lahat ng pelikula ay may aral at mensaheng gustong ipahatid sa atin.
     Ang mensaheng gustong ipahatid ng pelikulang ito sa atin ay ang pagbibintang sa isang tao na walang sapat na katibayan ay hindi nakakatulong para malutas ang isang suliranin. Siyempre kung may aral may mensahe at marami tayong mapupulot na aral sa pelikulang ito na makakatulong sa ating buhay tulad ng hindi pababayaan ng magulang ang anak, iwasang magbintang na walang sapat na katibayan at isiping mabuti ang mga bagay bago ito isagawa. Ito'y ilan lamang sa mga aral sa kwentong ito at kung susuriin pang mabuti ang mga arak at mensahe nito  ay tunay na nagbibigay sa atin ng tamang pagdidissisyon sa buhay. Sa ginawa nating pagbabalik tanaw sa pelikulang ito ay napakarami nating natutunan at ang kailangan lang nating gawin para hindi ito masayang ay isabuhay natin upang sa ganoon maging lubos ang pagbabalik tanaw natin sa pelikulang Percy Jackson and the Olympians the Lightning Thief.

Just the Web I Like it (An essay about I'm a Responsible Netizens)

Tingnan ang buong laki ng larawan
:www.itsmarket.net/More_Products.html
     In our modern world there are lots of machines/ technologies invented by our famous inventor. They invented all this machines to help people for doing their works. Because this machines will help lots of people to finish their work in an easy way. The inventions like the cell phone, laptop, computers and other gadgets are really useful to man.
    In these gadgets like the cell phone, laptop, computers and things that are very attractive to man that make them to use it. Because of only one thing that makes them attractive they do all the way to buy it. We can say that these three machines are the most attractive gadgets to man because these gadgets have an internet that they can use in different way that make them enjoyable.
   Because using internet is very enjoyable and in this thing we can visit different website that we want to see and all this websites it is so easy to visit by an individual. The examples of this websites are the face book, email, blog, Google, yahoo and many more. Using internet in a good things makes you learned and also will help you in your assignment because you can search on it. But if you use the internet in a bad ways this can cause you danger in different ways. Because internet is open to all so you must be a responsible one in using it like a good netizens. Like the blog that is also a part of this we can also use the internet in a bad ways if we like it or can do bad things to other. Now me that one of the person that also use the internet how I’m be a responsible one in using it and be a model to everyone that also using the internet.
   Being one of the netizens is not enough to become a responsible netizens you must know the responsibilities in using it and you as an individual must be a responsible enough in using it. These responsibilities also give you a limit in using the internet sites and serve you a guide in using
  The first responsibilities that I must done in using the internet is when I search in the internet by the use of google and yahoo I must search only the things I need that make me learned and help increase my knowledge and not the things that have no value. Because in the internet is very easy to search anything you want whether is a good or bad so be a responsible one in searching in the internet.
    Another responsibility is when you are playing games in the internet you must know first your limitation in playing it to avoid being addicted to games. Because if you become addicted to games and you want to play it always this will result to a bad ways that make you sin in other things like because you are addicted you do all things to play it although others stop you. To avoid this event we must be a responsible in playing games in the internet.
   Another example of responsibilities is when you are using the internet in creating an account you must be a responsible in your password. Because your password will protect your account in bad things that want your account destroy and post bad things or block it. You must avoid telling your password to anyone because this will make your account safe so be a responsible one in your own password.
    I remember the first time that I use the internet I become curious of what this things can done to me and why I need to be a responsible to use it. Now I understand all of this that this internet really helps people in many ways but we need to be a responsible in using it to be a good netizens. The responsibilities that we discuss are only a few of them but me that one of the netizens must follow it to be a responsible in using it. Because obeying these responsibilities will make you a good internet user.

Bagong Hinaharap Bagong Pamamalakad (An example of Futuristic story)



from voiceszinsidemyheart.blogspot.com
 
     Hindi masama ang pag- unlad ang sabi nga ng nakakarami ngunit ang labis na pag-unlad ay nakakasama rin sa bawat isa sa atin. Lahat ng labis ay masama ganoon din naman kung kulang kaya dapat ang bawat isa sa atin ay lumalagay sa tama. Sa istoryang ating matutunghayan ay malalaman natin na ang labis na pag-unlad ay nakakasama rin sa kalagayan ng bawat isa. Sa taong 2050 ang pag-unlad ay labis ng namumutawi ano pa't lahat ng panig ng mundo ay may bagong likha at lahat ay makabago na. Sa taong ito nangyari ang isang pangyayaring nagturo sa mga tao na ang pagmamalabis sa anumang bagay ay nakakasama sa bawat isa sa atin. Sa paaralang Colonel Lauro D. Dizon Memorial National High School naganap ang pangyayaring kalagim lagim at hindi mo na nanaisin pang maganap muli.

    Noon taong 2035 ang naging ugat ng pangyayaring ito sa Dizon High sapagkat sa taong ito nimbento ang perpektong taong robot na kung saan may taglay na katangian ng tao tulad ng katalinuhan, pagsasalita, kalakasan at marami pang iba ano pa't hindi mo na malalaman kung ang kausap mo ay tao o robot. Sa paglipas ng panahon ang mga taong robot na ito ay patuloy sa pagdami at halos mas marami na ito sa mga tao ngayong taong 2050. Sa taong ito ang mga taong robot na ang namamahala sa bawat panig ng mundo sa paaralan, hospital, pamahalaan at marami pang lugar sa buong mundo ngunit ang mga ito ay naging masama at makasarili at walang nagawa ang mga tao sa pangyayaring ito
     Ang mga sobrang masasamang taong robot ay namalagi sa paaralang Dizon High na ngayon ay pribadong paaralan na sa bisa ng kautusan ng presidente na ngayon ay taong robot na rin ang namamahala at ang mga batas na ipinatutupad ay sa ikakaganda lang ng mga kapwa robot niya.
    "Idinedeklara ko na ang paaralang Dizon High ay maging pribadong paaralan na at ang pamamahala ng paaralang ito ay sa punongguro na ibibigay siya ang mamahala sa lahat ng bagay na may kinalaman sa paaralang ito at ang bawat estudyante ay magbabayad ng matrikula na halagang animnapung libong piso sa loob ng isang buwan at tuwing gabi ang paaralang ito ang magsisilbing kampo naming mga robot"ang kautusan ng pangulo.
    Kaya naging parang impyerno ang paaralang Dizon High dahil sa pangit na pamamalakad ng mga robot. Isang araw ito ang nangyari.
    "Sa araw na ito maniningil ako ng matrikula na halagang animnapung libong piso at ang hindi magbayad ay hindi makakauwi" ang pagalit na salita ng punongguro
    "Sobra naman kayo, kakaumpisa pa lang ng buwan ito bakit naniningil na kayo" ang paliwanag ng mga mag-aaral
    Ngunit ang mga estudyante ay wala rin nagawa kung hindi sumunod at ang mga hindi sumunod naman ay hindi nakauwi at inalipin ng mga robot.Hindi natatapos doon ang kahigpitan at kasamaan ng mga robot grabeng paghihirap ang ginawa ng mga ito sa mga tao lalo na sa Dizon High.
    "Magkakaroon tayo ng mahabang  pagsusulit ngayon at ang babagsak sa pagsusulit na ito ay maglilinis ng buong Dizon High bilang parusa' ang pahayag ng gurong robot.
    "Ano! magkakaroon ng pagsusulit  hindi po ba wala pa tayong napagaaralan gasino at kakatest pa lang natin kahapon di ba po" ang pagkagulat ng mga mag-aaral.
    Naging masama ang naging resulta ng pagsusulit at kalahati sa mga mag-aaral ang bumagsak sa mga binigyan ng exam. Wala silang nagawa kung hindi maglinis ng buong Dizon.
    Dahil sa taglay na katangian ng mga robot na halos katulad ng tao at nakakahigit pa yata ay walang nagawa ang mga tao kung hindi magtiis dahil sila rin ang may kagagawan ng mga pangyayaring ito.
    Dumating ang araw na maisip ng mga taong robot na tuluyang alisin ang mga tao sa mundo at sila na ang manirahan sa buong mundo. Nagkaroon sila ng pagpupulong sa Dizon tungkol sa naisip nilang ito.
   "Mga kapwa kong robot ano kaya kung tuluyan na nating alisin sa landas natin ang mga tao at tayo na ang manirahan sa mundong ito natural naman tayo ay walang kamatayan samantalang sila ay mayroon" ang mungkahi ng pangulo.
   " Maganda iyan, dapat nang tanggalin ang mga taong iyan sapagkat wala naman silang kwenta at mga walang pakinabang" ang pagsangayon ng mga gabinete ng pangulo.
    Hindi lingid sa kaalaman ng mga tao ang binabalak ng mga taong robot sapagkat nang nagpupulong sila ay may isang dizonian ang nakarinig ng masama nilang binabalak.
   "Mga kasamahan nangyari na ang kinatatakutan natin sasakupin na tayo at papatayin ng mg robot" ang sumbong ng saksi.
   "Huwag kang magalala kaibigang dizonian matagal ko na itong pinaghandaan dahil alam kong maiisip nila ang kalagim lagim na bagay na ito. Oras na rin para lumaban tayo at may plano na ako tungkol sa balak nila sa atin.. Kailangan ko lang ang tulong ng lahat ng dizonians"ang paliwanag ng presidente ng SSG sa Dizon.
    "Ano ang plano mo president" ang tanong ng lahat ng nakarinig na dizonians.
    "Ganito ito alam natin na ang mga robot ay walang kamatayan ngunit sila ay nassira at nawawasak kaya kung mapag sasama sama natin sila at sabay sabay na mawawasak siguradong wala nang matitirang robot" ang paliwanag ng presidente ng SSG.
    "Meron akong naisip na plano, bukas ng gabi magkakaroon ng kasiyahan ang lahat ng mga robot dito sa ating paaralan at ang dapat lang nating gawin ay ikulong silang lahat sa loob ng paaraslan at doon wasakin" ang mungkahi ng bise-presidente.
    "May plano naman ako kung paano natin sila wawasakin, sa gitna ng oval lingid sa kaalaman ng mga taong robot na iyan ay may isang underground na lubhang malalim ito ang dating kampo ng mga dalubhasa para sa lihim nilang eksperimento at sa lugar na ito ay walang kahit isang kagamitan mapagkukunan ng enerhiya kaya sila ay siguradong manghihina hanggang sa tuluyan silang masira. Ang lugar na ito ay lubhang matibay kaya hindi ito mawawasdak ng mga robot kaso ang problema ay kung paano natin sila mapapapunta sa gitna ng oval para ikulong" ang paliwanag ng auditor.
    "May ideya ako may isang nilalang na sinusunod ang mga robot ito ang presidente nila kaya kung makagagawa tayo ng paraan para iutos ng presidente na pumunta silang lahat sa oval siguradong susunod sila" ang mungkahi ng secretary.
   "Tama iyon! at para siguraduhin na hindi tayo papakialaman ng presidente qay pagtulungan natin siya at wasakin dahil balita ko kahit siya ang pinuno ng mga robot siya daw ang pinakamahina sa kanila at siguro naman bago nila malaman ang ginawa  nating ito ay naisagawa na natin na maikulong sila. Kapag nawasak na natin ang presidente nilav kasabwatin natin ang tagapagsalita niya para sabihin sa mga robot na hindi makakarating ang presidente" ang paliwanag ng bise-presidente.
    "Oo nga, sa bagay ang tagapagsalita ng pangulo ay isang tao kaya magiging madali sa atin ang pagtupad sa ating plano" ang paliwanag ng presidente.
    "Kung ganon sa oras na ito hindi na pala ako dapat magalala pa" ang panapos na salita ng saksi.
Sa pagkakaisa ng lahat ng dizonians isinagawa na nila ang kanilang balak . Nagpunta ang ilan sa kanila sa tahanan ng pangulo upang wasakin ang presidente. Nagkunwari silang mga PSG  para makalapit sa pangulo at nagtagumpay naman sila at doon tinambangan nila ang pangulo at winasak. Dahil sila ay marami hindi nakalaban ang pangulo . Kinausap din nila doon ang tagapagsalita ng pangulo at sinabi ang kanilang balak sa mga robot at sumangayon naman ito
     Dumating na ang kinahihintay nilang sandali. Ang presidente ng SSg ng Dizon High ay handa ng buksan ang daan patungong underground para ikulong ang mga taong robot na nagpahirap sa kanila ng lubos.
      "Mga taong robot na pinamamahalaan ng ating pangulo na nagtipun tipon ngayong gabi may nais sabihin ang ating pangulo kaya hinihiling ko sa inyong lahat na pumunta sa gitna ng oval" ang utos ng tagapagsalita ng pangulo.
      Kaya ang lahat ng mga robot ay pumunta sa oval at ano pa walang naiwan kahit isang taong robot.
     "Narito na ba kayong lahat? kung narito na kayong lahat tatawagin ko na ang presidente natin maghintay lang kayong lahat" ang paliwanag ng tagapagsalita.
       Pagkaalis ng tagapagsalita sa oval biglang nabuksan ang buong oval at lahat ng ng robot na nasa oval ay nahulog at dagli dagli nila itong tinakpan muli. Nagpumilit na makalabas ang mga robot ngunit lubhang matibay ang lugar na kanilang kinahulugan kaya kahit anong gawin ng mga robot hindi mawasak ang lugar na iyon. Ang pamimlit nilang lumabas sa lugar na iyon ang nagpaubos ng kanilang enerhiya bilang robot at tuluyan silang nawasak sa loob sapagkat sa lugar na iyon ay walang bagay na mapagkukunan nila ng enerhiya para gumana. Sa patuloy na paglipas ng mga araw unti unting nawala ang ingay sa pinagkulungan sa mga robot na nagpapahiwatig na tuluyan na silang nasira.
       Labis ang katuwaan ng mga tao sa buong mundo dahil sa nangyaring ito sa mga robot lalo na ang mga dizonians at ang mga ito ay itinuring na bayani ng mga tao. Sa bagong pamamalakad ng mga tao sa mundo ay mayroon silang natutunang aral na ang pagmamalabis sa anumang bagay ay nakakasama sa bawat isa  kaya dapat ang bawat isa ay maging responsable sa kanilang mga ginagawa.

Wednesday, February 9, 2011

Susi sa Kinabukasan (Tula tungkol sa edukasyon)

                                             Kaalamang taglay kailangang tunay
                                             Sandatang dapat taglayin ninunman
                                              Dahil gamit natin sa pang araw-araw
                                             Na matatagpuan sa edukasyon lang
       
                                              Edukasyong hanap nasa eskwelahan
                                              Tinuturong ganap ng gurong mahusay
                                               Sa mag-aaral sa iba't ibang lugar
                                              Taglay ang araling mahalagang tunay

                                              Makamit ito ay walang kasing saya
                                              Sapagkat dala ay magandang simula
                                              Simula sa isang magandang biyaya
                                              Dala ay tagumpay maging dalubhasa
                                            
                                              Kahit mahirap babatain tunay
                                              Makamit lamang ang tamang kaalaman
                                              Na magiginng daan sa ating tagumpay
                                               Dahil ito'y susi sa magiging buhay
                        
                                               Natutunan natin gamitin sa tama
                                             Upang ang tadhanang nakatakday saya
                                              Kaalamang taglay ito ang panangga
                                               Sa buhay natin na puro na problema
                                            

Tuesday, February 8, 2011

Gabay Tungo sa Magandang Landas ( Tula tungkol sa mga magulang)

                                              Mula pagkasilang hanggang magkamalay 
                                               Sila'y naririyan laging kaagapay
                                               Nagsisilbing tulay sa ating paglakbay
                                               Tungo sa mainam na yugto ng buhay
                                                         
                                              Silang naging modelo sa magandang gawi
                                              Sila na nagturo ng tama at mali
                                              Sila ang dapat na maipagmalaki
                                              Nating mga anak na kanilang kinandili
                                                         
                                              Sila'y naging gabay sa magandang  landas
                                              Nagturo sa atin nitong daang dapat
                                               Kung saan tatahak tungo sa liwanag
                                               Na bigay sa atin ay mabuting bukas
                       
                                               Ito ang salita nitong ama't ina
                                               Ikaw aking anak magpakatatag ka
                                               Piliin mo anak itong daang tama
                                               Na dala ay isang buhay na masagana
                                              Mga anak naman salamat ang bigay
                                              Sa magulang nilang naghirap ng tunay
                                              Sa pagpapalaki sa tamang paraan
                                              Na nagbigay kulay sa kanilang buhay