Ang pelikula ay noon pa man ay bahagi na ng buhay ng tao. Minsan nga sa panonood natin nito nalilimutan na natin ang mga masasamang bagay o pangyayari sa ating buhay. Kung minsan rin ang mga pelikulang ito ay nagbibigay sa atin ng aral, mensahe at higit sa lahat nagbibigay ito ng kasiyahan sa mga manonood. Ang pelikula ay maaring ikategorya batay sa kanilang pagkakayari mayroong komedya na nagpapatawa sa atin, may drama na nagpapaiyak sa atin, mayroon namang tungkol sa pag-ibig na nagiging batayan ntin sa sarili nating pag-ibig at meron din namang pakikipagsapalaran na may kasamang aksyon at labanan.
Ito ay ilan lamang sa uri ng pelikulang na ating tinatangkilik at lagi nating pinapanood. Malaki ang nagiging impluwensya ng pelikula sa ating buhay mayroong nakakatulong at nakakasama sa atin ngunit kahit ganito ang mga pelikula hindi pa rin natin mapigilan ang panonood dito. tunay na ang sarap manood ng pelikula na kung minsan pa ay ang mga emosyong inilalabas nito ay nararamdaman ntin habang pinanapanood. Kaya ngayon mga manood samahan ninyo akong balikan ang isang pelikulang puno ng aral, kababalaghan at mga pangyayaring hindi magkakatotoo sa tunay na buhay na sa pelikula lang natin makikita.Bago natin ibalik tanaw ang pelikulang ito ay alamin muna natin ang mga tauhan, pamagat ng pelikula ating tatalakayin at ang direktor nito. Ang pelikulang ating tatalakayin ay may pamagat na Percy Jackson and The Olympian The Lightning Thief. Ang mga pangunahing tauhan naman sa pelikulang ito ay sina Logan Lerman na gumanap bilang Percy Jackson, si Annabeth Chase na ginampanan ni Alexandra Dadario, si Grover Underwood na ginampanan Brandon T. Jackson at si Luke na ginampanan ni Jake Abel. Ang mga gumanap namang olympian Gods ay sina Zeus na ginampanan ni Sean Bean, si Poseidon na ginampanan ni Kevin Mckidd, si Hades na ginampanan ni Steve Coogan. Sila ang mga pangunahing Olympian Gods na ating makikila sa pelikulang ating tatalakayin. Ang mga gumanap naman bilang Mythical Creatures ay sina Uma Therman na gumanap bilang Medusa, Pierce Brosnan na gumanap bilang Chiron/ Mr. Brunner. Sila ang ilan sa mga gumanap bilang mythical creatures sa pelikulang ating tatalakayin. Ang mga gumanap namang mga karaniwang tao ay sina Catherine Keener na gumanap bilang Sally ang ina ni Percy at si Joe Pantoliano na gumanap bilang Gabe Ugliano ang ama- amahan ni Percy. Ito ang ilan sa mga tauhan sa pelikulang Percy Jackson and Olympians The Lightning Thief na dinereksyon ni Chris Columbus.
Ang pelikulang ating ibabalik tanaw ay maaaring ikategorya sa isang pakikipagsapalaran ng isang anak hindi lang basta anak, isang anak ng Diyos na napagbintangan na magnanakaw ng isang bagay na lubhang mahalaga sa Diyos ng Kalangitan. Alam kong gusto nyo nang malaman ang buong pangyayari kaya samahan nyo akong balikan ang mga pangyayari sa pelikulang ito.
Sa umpisa ng pelikula, makikita natin nasa taas ng Empire State Building ang Olympian Gods na sina Zeus at Poseidon. Nagkita sila doon upang ibulalas ni Zeus kay Poseidon na nawawala ang kanyang lightning bolt na lubhang mahalaga sa kanya. Sa kasamaang palad, sinabi ni Zeus kay Poseidon na pinagbibintangan niya na kumuha ng lightning bolt ay ang anak nitong si Percy Jackson. Pinaalalahanan naman ni Poseidon ang kanyang anak tungkol sa bagay na ito.
Habang si Zeus naman ay nagtakda na kapag hindi naibalik ni Percy ang lightning bolt sa kanya bago ang susunod na sultisyo ng tag- araw( summer solstice) ay magakakaroon ng matinding digmaan. Si Percy ay isang labing- pitong taung gulang na binatilyo na may kakaibang abilidad na manatili sa ilalim ng tubig sa mahabang oras. Habang sina Percy ay nasa isang local museum ay inatake si Percy ng isang fury na ang tanging nais ay ibigay sa kanya ang sinasabing ninakaw daw ni Percy ang lightning bolt ngunit sumagot si Percy na ito ay isang kasinungalingan sapagkat wala siyang kinukuhang anumang bagay. Habang inaatake ng fury si Percy, dumating sina Grover Undewood ang matalik na kaibigan ni Percy at ang guro niyang si Mr. Brunner, sila ay parehong kapansanan sa paa at sila ang nagpaalis sa fury. Pagkatapos mapag- aralan ang dahilan ng pagsugod ng fury, sinabi ni Mr. Brunner na dalhin si Percy at ang ina nitong si Sally sa Camp Halfblood at para na rin makaalis sa ama amahan niyang masama ang ugali na si Gabe Ugliano.
Sa hindi inaasahang pangyayari habang sila ay papunta sa kampo, silang tatlo ay inatake ng isang minotaur at dahil hindi makapasok si Sally sa kampo sapagkat siya ay isang mortal kaya` t pinilit ni Percy na patayin ang minotaur at nagtagumpay naman siya ngunit nakuha naman nila ang ina nitong si Sally at sa pagkabigla sa nangyari nawalan ng malay si Percy.
Tatlong araw ang lumipas, si Percy ay nagising na at natutunan na niyang siya ay talagang anak ni Poseidon
at si Grover ay isa talagang satyr at kanyang tagapagtanggol at si Mr. Brunner ay isa palang centaur Chiron. Si Chiron ay nagpayo kay Percy na pumunta sa Mt. Olympus at kumbinsihin si Zeus na hindi talaga siya ang kumuha ng lightning bolt. Nagsimula naman ang pagsasanay ni Percy para magamit niya ang kanyang kapangyarihan bilang anak ng Diyos ng tubig at upang makilala ang ibang anak ng Diyos kabilang sina Annabeth, anak ni Athena, at si Luke ang anak ni Hermes. Pagkatapos ng isang grupong pagsasanay, binisita sila ni Hades ang tiyo ni Percy at sinabi na sa kanya ang ina nito na makukuha lamang ang ina kung ibibigay at ilalabas ni Percy ang lightning bolt. Kahit ayaw ni Chiron na pumunta doon sa Percy ay nagdesisyon pa rin itong pumunta upang iligtas ang ina, sinamahan naman siya ni Grover at Annabeth. Binisita nila si Luke at binigyan sila nito ng mapa kung saan doon makikita ang hahanapin nilang tatlong perlas na gagamitin nila para makaalis sa underworld sinamahan din ito ng isang lumang kalasag at sapatos na may pakpak na ninakaw pa ni Luke sa ama niya.
Ang tatlo ay pumunta sa unang lokasyon kung saan nila makukuha ang unang perlas at sa paghahanap nila nito ay nakalaban nila si Medusa. Pinugutan ni Percy ng ulo si Medusa at natagpuan din niya ang unang perlas sa may kamay ni Medusa. Ang tatlo ay pumunta naman sa susunod na destinasyon atayon sa mapa ito ay nasa Parthenon sa Nashville. Nakita nila doon ang ikalawang perlas sa taas ng estatwa ni Athena at doon ginamit niya ang sapatos na may pakpak para makuha ang perlas. Nagtagumpay naman sila ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nasagupa nila ang Hydra. Ang Hydra ay nagawang talunin ni Grover sa pamamagitan ng ulo ni Medusa. Ang huling perlas ay sinimulan na nilang hanapin at natagpuan nila ito sa Las Vegas sa Lotus Casino ngunit ang tatlo ay nakakain ng Lotus plant na naging sanhi ng pagkalimot nila sa tunay nilang layunin. Namalagi sila doon ng ilang araw dahil sa pagkalimot nila hanggang sa matauhan si Percy sa tulong ng kanyang ama. Dagli-dagli silang tumakas sa lugar na iyon pagkakuha sa ikatlong perlas.
Ayon sa mapa ang Underworld daw ay matatagpuan sa Hollywood kaya ang tatlo ay pumunta salugar na iyon. Nang nakarating na sila sa undeworld at nakita nila si Hades ay pinakita naman ni Hades ang ina ni Percy na si Sally. Niyakap naman ni Percy ang ina niya at binitiwan ang kalasag niya at sa hindi inaasahang pagkakataon nakita ni Hades ang lightning bolt sa kalasag na binitiwan ni Percy. Dahil sa nangyaring ito napagtanto nina Percy na ang nagnakaw ng lightning bolt ay si Luke sapagkat kanya ang kalasag na ito. Nang makuha ni Hades ang lightning bolt ay inutos na nitong patayin sina Percy.Nilinlang naman ni Persephone si Hades at hindi sinunod ang utos na ito at sa halip ay ibinigay niya kina Percy ang lightning bolt sa kada hilanang ayaw niyang makasama si Hades habang buhay. Samantala dahil sa tatatlo lang ang perlas na nakuha nila tatlo lang ang makaalis sa kanila kaya sina Percy, Sally, Annabeth lang ang nakaalis para ibalik kay Zeus ang ligthning bolt at nagpaiwan nalang si Grover. Ang tatlo ay nakarating na sa Empire State Building kung saan dadaan patungong Mt. Olympus ngynit nasagupa nila dito si Luke. Sinabi ni Luke ang dahilan kung bakit niya ninakaw ang lightning bolt ito ay sa kadahilanang gusto niyang masira ang Mt. Olympus at maging bagong tahanan ng mga Diyos ang lugar nila. Naglaban sina Percy at luke at nanalo naman si Percy. Dagli- dagli silang pumunta sa Mt. Olympus at bago mahuli ang lahat ay naibalik nila ang lightning bolt kay Zeus. Pinaliwanag ni Percy na hindi siya ang kumuha ng lightning bolt at ang totoong nagnakaw nito ay si Luke ang anak ni Hermes. Pinatawad naman ni Zeus si Percy at biniyaang magkausap ang mag- ama. Natapos ang pelikulang ito ng bumalik muli si Percy sa kampo nila kung saan siya nababagay kasama sina Annabeth at Grover at doon muli siyang nagsanay at namalagi.
Nasaksihan na natin ang istorya at nalaman na rin natin ang mga nagsiganap sa pelikulang ating binalik tanaw ngayon naman alamin natin ang mensahe at aral na gustong ipahatid sa atin ng pelikulang ito. Sapagkat alam natin na ang lahat ng pelikula ay may aral at mensaheng gustong ipahatid sa atin.
Ang mensaheng gustong ipahatid ng pelikulang ito sa atin ay ang pagbibintang sa isang tao na walang sapat na katibayan ay hindi nakakatulong para malutas ang isang suliranin. Siyempre kung may aral may mensahe at marami tayong mapupulot na aral sa pelikulang ito na makakatulong sa ating buhay tulad ng hindi pababayaan ng magulang ang anak, iwasang magbintang na walang sapat na katibayan at isiping mabuti ang mga bagay bago ito isagawa. Ito'y ilan lamang sa mga aral sa kwentong ito at kung susuriin pang mabuti ang mga arak at mensahe nito ay tunay na nagbibigay sa atin ng tamang pagdidissisyon sa buhay. Sa ginawa nating pagbabalik tanaw sa pelikulang ito ay napakarami nating natutunan at ang kailangan lang nating gawin para hindi ito masayang ay isabuhay natin upang sa ganoon maging lubos ang pagbabalik tanaw natin sa pelikulang Percy Jackson and the Olympians the Lightning Thief.
No comments:
Post a Comment