from voiceszinsidemyheart.blogspot.com |
Hindi masama ang pag- unlad ang sabi nga ng nakakarami ngunit ang labis na pag-unlad ay nakakasama rin sa bawat isa sa atin. Lahat ng labis ay masama ganoon din naman kung kulang kaya dapat ang bawat isa sa atin ay lumalagay sa tama. Sa istoryang ating matutunghayan ay malalaman natin na ang labis na pag-unlad ay nakakasama rin sa kalagayan ng bawat isa. Sa taong 2050 ang pag-unlad ay labis ng namumutawi ano pa't lahat ng panig ng mundo ay may bagong likha at lahat ay makabago na. Sa taong ito nangyari ang isang pangyayaring nagturo sa mga tao na ang pagmamalabis sa anumang bagay ay nakakasama sa bawat isa sa atin. Sa paaralang Colonel Lauro D. Dizon Memorial National High School naganap ang pangyayaring kalagim lagim at hindi mo na nanaisin pang maganap muli.
Noon taong 2035 ang naging ugat ng pangyayaring ito sa Dizon High sapagkat sa taong ito nimbento ang perpektong taong robot na kung saan may taglay na katangian ng tao tulad ng katalinuhan, pagsasalita, kalakasan at marami pang iba ano pa't hindi mo na malalaman kung ang kausap mo ay tao o robot. Sa paglipas ng panahon ang mga taong robot na ito ay patuloy sa pagdami at halos mas marami na ito sa mga tao ngayong taong 2050. Sa taong ito ang mga taong robot na ang namamahala sa bawat panig ng mundo sa paaralan, hospital, pamahalaan at marami pang lugar sa buong mundo ngunit ang mga ito ay naging masama at makasarili at walang nagawa ang mga tao sa pangyayaring ito
Ang mga sobrang masasamang taong robot ay namalagi sa paaralang Dizon High na ngayon ay pribadong paaralan na sa bisa ng kautusan ng presidente na ngayon ay taong robot na rin ang namamahala at ang mga batas na ipinatutupad ay sa ikakaganda lang ng mga kapwa robot niya.
"Idinedeklara ko na ang paaralang Dizon High ay maging pribadong paaralan na at ang pamamahala ng paaralang ito ay sa punongguro na ibibigay siya ang mamahala sa lahat ng bagay na may kinalaman sa paaralang ito at ang bawat estudyante ay magbabayad ng matrikula na halagang animnapung libong piso sa loob ng isang buwan at tuwing gabi ang paaralang ito ang magsisilbing kampo naming mga robot"ang kautusan ng pangulo.
Kaya naging parang impyerno ang paaralang Dizon High dahil sa pangit na pamamalakad ng mga robot. Isang araw ito ang nangyari.
"Sa araw na ito maniningil ako ng matrikula na halagang animnapung libong piso at ang hindi magbayad ay hindi makakauwi" ang pagalit na salita ng punongguro
"Sobra naman kayo, kakaumpisa pa lang ng buwan ito bakit naniningil na kayo" ang paliwanag ng mga mag-aaral
Ngunit ang mga estudyante ay wala rin nagawa kung hindi sumunod at ang mga hindi sumunod naman ay hindi nakauwi at inalipin ng mga robot.Hindi natatapos doon ang kahigpitan at kasamaan ng mga robot grabeng paghihirap ang ginawa ng mga ito sa mga tao lalo na sa Dizon High.
"Magkakaroon tayo ng mahabang pagsusulit ngayon at ang babagsak sa pagsusulit na ito ay maglilinis ng buong Dizon High bilang parusa' ang pahayag ng gurong robot.
"Ano! magkakaroon ng pagsusulit hindi po ba wala pa tayong napagaaralan gasino at kakatest pa lang natin kahapon di ba po" ang pagkagulat ng mga mag-aaral.
Naging masama ang naging resulta ng pagsusulit at kalahati sa mga mag-aaral ang bumagsak sa mga binigyan ng exam. Wala silang nagawa kung hindi maglinis ng buong Dizon.
Dahil sa taglay na katangian ng mga robot na halos katulad ng tao at nakakahigit pa yata ay walang nagawa ang mga tao kung hindi magtiis dahil sila rin ang may kagagawan ng mga pangyayaring ito.
Dumating ang araw na maisip ng mga taong robot na tuluyang alisin ang mga tao sa mundo at sila na ang manirahan sa buong mundo. Nagkaroon sila ng pagpupulong sa Dizon tungkol sa naisip nilang ito.
"Mga kapwa kong robot ano kaya kung tuluyan na nating alisin sa landas natin ang mga tao at tayo na ang manirahan sa mundong ito natural naman tayo ay walang kamatayan samantalang sila ay mayroon" ang mungkahi ng pangulo.
" Maganda iyan, dapat nang tanggalin ang mga taong iyan sapagkat wala naman silang kwenta at mga walang pakinabang" ang pagsangayon ng mga gabinete ng pangulo.
Hindi lingid sa kaalaman ng mga tao ang binabalak ng mga taong robot sapagkat nang nagpupulong sila ay may isang dizonian ang nakarinig ng masama nilang binabalak.
"Mga kasamahan nangyari na ang kinatatakutan natin sasakupin na tayo at papatayin ng mg robot" ang sumbong ng saksi.
"Huwag kang magalala kaibigang dizonian matagal ko na itong pinaghandaan dahil alam kong maiisip nila ang kalagim lagim na bagay na ito. Oras na rin para lumaban tayo at may plano na ako tungkol sa balak nila sa atin.. Kailangan ko lang ang tulong ng lahat ng dizonians"ang paliwanag ng presidente ng SSG sa Dizon.
"Ano ang plano mo president" ang tanong ng lahat ng nakarinig na dizonians.
"Ganito ito alam natin na ang mga robot ay walang kamatayan ngunit sila ay nassira at nawawasak kaya kung mapag sasama sama natin sila at sabay sabay na mawawasak siguradong wala nang matitirang robot" ang paliwanag ng presidente ng SSG.
"Meron akong naisip na plano, bukas ng gabi magkakaroon ng kasiyahan ang lahat ng mga robot dito sa ating paaralan at ang dapat lang nating gawin ay ikulong silang lahat sa loob ng paaraslan at doon wasakin" ang mungkahi ng bise-presidente.
"May plano naman ako kung paano natin sila wawasakin, sa gitna ng oval lingid sa kaalaman ng mga taong robot na iyan ay may isang underground na lubhang malalim ito ang dating kampo ng mga dalubhasa para sa lihim nilang eksperimento at sa lugar na ito ay walang kahit isang kagamitan mapagkukunan ng enerhiya kaya sila ay siguradong manghihina hanggang sa tuluyan silang masira. Ang lugar na ito ay lubhang matibay kaya hindi ito mawawasdak ng mga robot kaso ang problema ay kung paano natin sila mapapapunta sa gitna ng oval para ikulong" ang paliwanag ng auditor.
"May ideya ako may isang nilalang na sinusunod ang mga robot ito ang presidente nila kaya kung makagagawa tayo ng paraan para iutos ng presidente na pumunta silang lahat sa oval siguradong susunod sila" ang mungkahi ng secretary.
"Tama iyon! at para siguraduhin na hindi tayo papakialaman ng presidente qay pagtulungan natin siya at wasakin dahil balita ko kahit siya ang pinuno ng mga robot siya daw ang pinakamahina sa kanila at siguro naman bago nila malaman ang ginawa nating ito ay naisagawa na natin na maikulong sila. Kapag nawasak na natin ang presidente nilav kasabwatin natin ang tagapagsalita niya para sabihin sa mga robot na hindi makakarating ang presidente" ang paliwanag ng bise-presidente.
"Oo nga, sa bagay ang tagapagsalita ng pangulo ay isang tao kaya magiging madali sa atin ang pagtupad sa ating plano" ang paliwanag ng presidente.
"Kung ganon sa oras na ito hindi na pala ako dapat magalala pa" ang panapos na salita ng saksi.
Sa pagkakaisa ng lahat ng dizonians isinagawa na nila ang kanilang balak . Nagpunta ang ilan sa kanila sa tahanan ng pangulo upang wasakin ang presidente. Nagkunwari silang mga PSG para makalapit sa pangulo at nagtagumpay naman sila at doon tinambangan nila ang pangulo at winasak. Dahil sila ay marami hindi nakalaban ang pangulo . Kinausap din nila doon ang tagapagsalita ng pangulo at sinabi ang kanilang balak sa mga robot at sumangayon naman ito
Dumating na ang kinahihintay nilang sandali. Ang presidente ng SSg ng Dizon High ay handa ng buksan ang daan patungong underground para ikulong ang mga taong robot na nagpahirap sa kanila ng lubos.
"Mga taong robot na pinamamahalaan ng ating pangulo na nagtipun tipon ngayong gabi may nais sabihin ang ating pangulo kaya hinihiling ko sa inyong lahat na pumunta sa gitna ng oval" ang utos ng tagapagsalita ng pangulo.
Kaya ang lahat ng mga robot ay pumunta sa oval at ano pa walang naiwan kahit isang taong robot.
"Narito na ba kayong lahat? kung narito na kayong lahat tatawagin ko na ang presidente natin maghintay lang kayong lahat" ang paliwanag ng tagapagsalita.
Pagkaalis ng tagapagsalita sa oval biglang nabuksan ang buong oval at lahat ng ng robot na nasa oval ay nahulog at dagli dagli nila itong tinakpan muli. Nagpumilit na makalabas ang mga robot ngunit lubhang matibay ang lugar na kanilang kinahulugan kaya kahit anong gawin ng mga robot hindi mawasak ang lugar na iyon. Ang pamimlit nilang lumabas sa lugar na iyon ang nagpaubos ng kanilang enerhiya bilang robot at tuluyan silang nawasak sa loob sapagkat sa lugar na iyon ay walang bagay na mapagkukunan nila ng enerhiya para gumana. Sa patuloy na paglipas ng mga araw unti unting nawala ang ingay sa pinagkulungan sa mga robot na nagpapahiwatig na tuluyan na silang nasira.
Labis ang katuwaan ng mga tao sa buong mundo dahil sa nangyaring ito sa mga robot lalo na ang mga dizonians at ang mga ito ay itinuring na bayani ng mga tao. Sa bagong pamamalakad ng mga tao sa mundo ay mayroon silang natutunang aral na ang pagmamalabis sa anumang bagay ay nakakasama sa bawat isa kaya dapat ang bawat isa ay maging responsable sa kanilang mga ginagawa.
No comments:
Post a Comment